GMA Logo kim chiu, Elle Villanueva, Ashley Ortega, vhong navarro
Photo by: @itsShowtimeNa X
What's on TV

Elle Villanueva at Ashley Ortega, nakisaya sa 'Laro, Laro, Pick'

By Kristine Kang
Published February 25, 2026 5:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Saksi Livestream: March 5, 2026
DTI: Price hike for goods, other items needs agency's approval
Race to the finish: Meet the F1 drivers of the 2026 season

Article Inside Page


Showbiz News

kim chiu, Elle Villanueva, Ashley Ortega, vhong navarro


Very stunning sina Elle Villanueva at Ashley Ortega sa 'It's Showtime.'

Tila mas lalong uminit ang FUNanghalian sa It's Showtime nang bumisita ang Kapuso stars na sina Elle Villanueva at Ashley Ortega.

Nitong Miyerkules (February 25), rumampa ang Apoy sa Dugo stars dala ang kanilang palaban na aura.

Agaw-eksena si Ashley sa kanyang dark red dress habang stunning at glowing si Elle sa kanyang white top at jeans ensemble.

"Ipakita mo muna ang iyong dress sa back. Let's give it up for the back of the dress," ani Kim Chiu kay Ashley bago ito rumampa sa entablado.

Sa kabila ng kanilang fierce aura, game na game namang nakisaya ang dalawa sa segment na “Laro, Laro, Pick.”

Mula sa pagsayaw ng cha-cha hanggang sa pakikipagkulitan sa contestants, kapansin-pansin ang kanilang pagiging palaban at masayahin.

Umabot sina Elle at Ashley sa ikalawang round na “It's Giving,” kung saan kinakailangang hulaan ang tamang pamagat ng OPM songs.

Mahusay na nahulaan ni Elle ang kanyang kanta, ngunit hindi naman pinalad si Ashley.

"Okay lang. Elle, ikaw lang. Ikaw na lang lumaban for me," sabi ni Ashley bago bumaba ng stage.

Hindi rin nagtagal ang suwerte ni Elle nang sumabak sila sa “You Gotta Lyric,” kung saan kailangan nilang kumpletuhin ang awiting “Liwanag sa Dilim” ng Rivermaya.

Naghatid ng tawanan ang kanyang paghula ng "Silbi? Silbi ulit" na tumutukoy sa naunang maling sagot ni Darren Espanto.

Lalong naging masaya ang eksena nang gayahin ni Elle ang pagkanta ni Jhong Hilario sa tamang sagot.

"Silbing. Darren, sama raw kayo. Sunduin mo si El," biro ni Kim.

"Yes, C'mon, let's go. Okay lang 'yan El," hirit ni Darren.

Natawa ang lahat nang biglang binati ni Jhong ang aktres.

"Congratulations, Elle! Nag-congratulations pa e, tanggal na," biro ni Jhong.

"'Di sa kanilang soap opera syempre," dagdag niya.

Sa huli, ang working student na si Matt ang nakapasok sa jackpot round. Bagama't hindi niya pinili ang pot prize na PhP 250,000, nag-uwi pa rin siya ng PhP 30,000 sa Li-Pot.

Mapapanood sina Elle Villanueva at Ashley Ortega sa Apoy sa Dugo simula March 2, 4:05 p.m., sa GMA at GMA Prime.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon sa GMA at Kapuso Stream.

Samantala, tingnan kung sino pang Kapuso stars ang bumisita at nakisaya sa It's Showtime, rito: