What's on TV

Elle Villanueva at Derrick Monasterio, bibida sa 'Magpakailanman'

By Marah Ruiz
Published June 7, 2024 2:27 PM PHT
Updated March 6, 2025 3:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dizon: I have not authenticated the so-called Cabral files
Over 20,000 passengers logged in NegOcc on holiday rush
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

magpakailanman


Magtatambal sina Elle Villanueva at Derrick Monasterio sa 'Magpakailanman.'

Ang Kapuso stars na sina Elle Villanueva at Derrick Monasterio ang bibida sa isang episode ng real life drama anthology na Magpakailanman.

Bibigyang-buhay nila ang kakaibang kuwento ng magkasintahan sa episode na pinamagatang "The 19-Day Bride."

Si Elle ay si Gemma, habang si Derrick naman ang mister niyang si Japs.

Tugma ang kanilang mga personalidad at parehong mahilig sa travel at pagluluto sina Gemma at Japs kaya naman talagang bagay na bagay sila sa isa't isa.

Matapos ang isang malaking 'di pagkakaintindihan na muntik nang tumapos sa kanilang relasyon, magpapakasal ang dalawa.

Pero 19 araw lang matapos nilang ikasal, maaaksidente si Japs at tuluyan nang mamamaalam.

Paano matututunan ni Gemma na mabuhay nang wala ang kabiyak?

SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:


Abangan ang "The 19-Day Bride," March 8, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.