
Sa upcoming thriller series na Apoy sa Dugo, level up na ang role ng Kapuso real-life couple na sina Elle Villanueva at Derrick Monasterio.
Sa exclusive interview kasama ang GMA Network.com, ibinahagi nina Elle at Derrick na mas "mature" na ang kanilang gagampanan na mga karakter sa thriller series.
"Mine is more mature compared to my previous roles. Mas mature ito kasi may anak na siya, may anak na si Vanessa and magiging psycho rin siya in a way," sabi ni Elle.
Ibinahagi rin nito kung ano ang nagustuhan niya sa karakter niya dito.
"Hindi siya as plain as mabait lang pero lumalaban din siya. 'Yun 'yung gusto ko palagi sa character, 'yung may lalim," ipinaliwanag nito.
Inamin ni Derrick na bago rin para sa kaniya ang role niya dito katulad ni Elle.
"Bago siya kasi may anak na rin kami dito and syempre wala kaming experience doon," sabi ng aktor.
Ipinaliwanag ni Derrick na posibleng maging daan ang serye na ito sa kanilang preparasyon bilang magkasintahan sa totoong buhay kung gusto na nilang magkaroon ng anak sa future.
Dagdag pa niya, "At least kahit papaano, mayroon na kaming idea kung paano iha-handle ang bata."
Makakasama nina Elle at Derrick sa serye sina Ashley Ortega, Thea Tolentino, at Pinky Amador.
Abangan ang Apoy sa Dugo,, na malapit nang umarangkada sa GMA.
Samantala, kilalanin dito ang iba pang cast ng upcoming thriller series na Apoy sa Dugo,: