
Are they together?
Ito ang diretsahang inalam ng seasoned at award-winning TV host na si Boy Abunda sa Sparkle loveteam na sina Elle Villanueva at Derrick Monasterio.
Matatandaan na nagkasama ang dalawa sa high-rating afternoon drama na Return To Paradise at sa isang panayam ng 24 Oras Weekend noong February 2023, umamin si Elle na nanliligaw ang aktor.
Sabi ng dalaga noon, "After 'yung show, mas naging stronger 'yung bond namin. Mas madalas na kami nagkikita and ang laki ng improvements sa communication namin like we are very honest with each other."
Ngayong Martes ng hapon (April 25), binigyang linaw ng dalawa kung ano ang “real score” sa kanila sa Fast Talk With Boy Abunda.
Saad ng Kapuso sexy actress, “Honestly Tito Boy, madami nagtatanong sa amin niyan- from the press people and the people around us.”
Sabat ni Tito Boy, “Elle, lalo na ikaw, dahil gusto mo ng label sa relasyon.”
Tugon naman ni Elle, “Yes! And that doesn't mean na mag-boyfriend, girlfriend kami. Pero ang masasabi ko lang Tito Boy, we are very committed to each other.
“We have the same goals with our relationship, but we don't want to put a label on it publicly. Because we want to keep our relationship private and it's better.”
Para naman kay Derrick, “Iba kasi Tito Boy 'yung ano e 'yung work for me. ['Yung] showbiz, work lang siya and si Elle talaga 'yung parang sanity ko. So, parang ayokong haluan siya ng work, kasi stressful na 'yung work e.”
Ayaw rin daw ng dalawa na maraming makikisawsaw sa estado ng kanilang relasyon.
Lahad ni Elle, “And people might expect something from us, like, kunwari in the future mag-away. Parang, madami ng noise, magke-create siya ng madaming noise na might affect our relationship.”
“Maraming makikisawsaw” dagdag ng Kapuso hunk.
Abangan ang dalawa sa natatangi nilang pagganap sa multi-awarded weekly-drama anthology na #MPK (Magpakailanman) ngayong Sabado, April 29.
Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
CHECK OUT THE SWEETEST MOMENTS TOGETHER OF ELLE VILLANUEVA AND DERRICK MONASTERIO HERE: