
Isa sa pinakahinahangaan ngayon na celebrity couple ay sina Elle Villanueva at Derrick Monasterio. Kaya naman, ilang netizens ang nagtatanong, kailan ba hahantong sa altar ang kanilang relasyon?
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, inamin nina Elle at Derrick na matapos ang apat na taon nilang relationship, nadagdagan at nabawasan na ang init ng kanilang pagmamahal.
“I guess, nadagdagan at nabawasan at the same time. Iba-iba. Minsan, love na love mo talaga itong tao, minsan, inis na inis ka sa kaniya, mga ganu'n. Hindi siya laging mataas,” sabi ni Derrick.
Para naman kay Elle, give-and-take ang kanilang relationship. Halimbawa, kung clingy si Derrick, cold siya rito. Minsan naman, siya umano ang clingy, at cold naman ang aktor. At minsan, sabay silang clingy o cold sa isa't isa.
Sa upcoming GMA Afternoon Prime Series nila na Apoy sa Dugo, gaganap sila Elle at Derrick bilang mag-asawa. Kaya naman, tanong ng King of Talk na si Boy Abunda, “Do you think this is God, this is the universe saying magpakasal na kayo?”
Pag-amin ni Derrick, gusto niya talagang mapangasawa si Elle sa hinaharap. Sa katunayan, may mga pagkakataon na hinuhuli niya ang aktres sa mga tanong niya.
“Halimbawa, 'pag tinatanong ko siya, 'Parang ang ganda nito, ganiyang singsing, ano? Medyo bilog?' Sabihin niya, 'A oo nga, gusto ko nga 'yung ganito.' So parang 'pag sinabi niya, 'A, so parang um-o-oo ka na sa akin?'
"Tinatry ko siyang hulihin lagi. 'Okay ba magpro-pose ako sa ganitong lugar?' Sabi niya, 'Oo, maganda diyan.' 'A so oo, oo ka na?' Lagi ko siyang hinuhuli na ganu'n,” pagbabahagi ni Derrick.
KILALANIN ANG KAPUSO CELEBRITY COUPLES NA NAGSIMULA BILANG GMA TALENTS SA GALLERY NA ITO:
Pagbabahagi naman ni Elle, ang dream proposal niya sana at kahit saan na kita ang Northern Lights. Noong 2025, nagpunta sila Iceland para makita ito, at para sa aktres, “too soon” pa ito noon.
“Pero hindi ko naman sinasabi na magye-yes ako, ha? Kasi feeling niya talaga, magye-yes ako agad,” sabi ni Elle.
Pinaalalahanan naman ni Boy ang celebrity couple na 'wag ma-pressure na magpakasal dahil lang sinasabi ng mga tao o marami na ang nagtatanong.
“You just have to get used to being asked. Kasi you're both public, we're very public. Alam mo 'yung tanong na 'O, kailan na?' Just get used to it. Don't take that as pressure, it's territorial,” sabi ng batikang host.
Nilinaw naman ni Elle na hindi sila nagpapadala sa pressure. Samantalang si Derrick, ibinahagi na para sa kaniya, magiging ready lang siya mag-propose kay Elle kapag alam niyang handa na siyang mag-provide para sa aktres.
“Magiging ready lang ako 'pag mapo-provide ko na sa kaniya 'yung mga kailangan niya, kung kaya ko na siyang i-maintain, ganu'n. Kapag nagawa ko na 'yun, ready na ako, atsaka kapag may sarili na akong house. Kasi ako, sa sarili ko, alam kong deep inside, handa na ako, e. Hindi na ako hahanap ng iba,” sabi ng aktor.
Sinagot rin nina Elle at Derrick na bukas sila sa pagtira sa iisang bahay bago ang kasal para mas maging handa sila sa married life.
Panoorin ang panayam kina Elle at Derrick sa video sa itaas.