
Magtatambal ang Kapuso stars na sina Elle Villanueva at Rob Gomez sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Bibida sila sa time-travel love story na "Love Me in 7 Days."
Si Rob ay si Roque, isang playboy mula sa taong 1926. Isusumpa siya ng isang babaeng niloko niya na mapunta sa taong 2023.
Masa-stuck siya sa modernong panahon kung hindi siya makakahanap ng true love sa loob ng pitong araw.
Matatagpuan ni Roque ang sarili niya sa bahay ni Kathy, karakter naman ni Elle.
Hindi agad pagkakatiwalaan ni Kathy si Roque, lalo na nang malaman niyang playboy ito. Galing din kasi siya sa heartbreak dahil sa mga lalaking manloloko.
Gayunpaman, susubukan pa ring tulungan ni Kathy si Roque. Makakabalik pa ba si Roque sa sarili niyang panahon?
Abangan 'yan sa brand new episode na "Love Me in 7 Days," April 16, 4:40 p.m. sa Regal Studio Presents.
Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: