What's on TV

Elle Villanueva, bagong love interest sa 'Lolong: Pangil ng Maynila'

By Marah Ruiz
Published March 29, 2025 3:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, shear line, easterlies to bring cloudy skies, rains on Monday
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Elle Villanueva in Lolong


Magiging bahagi ng 'Lolong: Pangil ng Maynila' si Elle Villanueva bilang bagong love interest.

Malapit nang mapanood si Kapuso actress Elle Villanueva sa primetime series na Lolong: Pangil ng Maynila.

Isa si Elle sa mga bagong adisyon sa cast ng serye, kasabay ng malaking pagbabago sa kuwento nito.

Mapapadpad kasi ng Maynila ang bidang si Lolong na karakter ni primetime action hero Ruru Madrid.

Sa pagsisimula niya ng bagong buhay dito, marami siyang makikilalang mga bagong kaibigan at kaaway.

Isa na dito ang karakter na gagampanan ni Elle.

"I will be playing Tetet. Isa siyang waitress sa isang bar. Napakasipag niya. Madiskarte siyang tao," lahad niya tungkol sa kanyang role.

Ito ang unang pagkakaton na makakatrabaho ni Elle si Ruru pero nakikita daw niyang marami silang pagkakatulad.

"I know how Ruru works. I know how serious he is and we share the same passion. So kapag may ganoon akong katapat na aktor, sobrang excited ko makatrabaho 'yun," bahagi ng aktres.

KILALANIN ANG IBA PANG BAGONG TAUHAN NA MAKAKASAMA SA LOLONG: PANGIL NG MAYNILA:

Samantala, nagsimula ang kuwento ng Lolong: Pangil ng Maynila pitong taon matapos lisanin ni Lolong ang Tumahan.

Mapapadpad siya sa mas mabagsik na mundo ng Maynila at magtatrabaho siya bilang kargador sa fish port sa umaga.

Sa gabi, armadong tauhan siya ng ng isang big boss na si Manuel (Rowell Santiago) at unti-unting pinaplano ang paghihiganti niya sa underground crime boss na si Julio (John Arcilla).

Abangan ang mas matalas na pangil na hustisya sa bagong yugtong Lolong: Pangil ng Maynila, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.