
Abala ngayon sina Elle Villanueva at Derrick Monasterio sa kanilang upcoming thriller TV series project. Makakasama nila rito si former Pinoy Big Brother housemate Ashley Ortega na bukod sa serye, ay naghahanda na rin para sa isang movie at isa pang TV series projects.
Pagbabahagi ni Derrick kay Athena Imperial para sa 24 Oras nitong Lunes, August 18, “It's a nice thriller show kasi makakakita kayo of course ng ibang Ashley dito, ta's makikita n'yo rin kung ano 'yung mga parang pagbabago sa buhay namin. On cam, siyempre, iba na rin kami rito.”
Sa Instagram, nagbahagi rin si Elle ng ilang litrato na tila kuha mula sa kanilang story con. Makikita sa photo sina Derrick, Ashley, Thea Tolentino, at Pinky Amador.
Dahil sa series, posibleng matagalan bago makapagbakasyon muli sina Elle at Derrick. Kaya naman, bago pa nagsimula ang taping para sa kanilang serye ay nagbakasyon na sila sa Vietnam noong nakaraang buwan.
“That was five days, five days ba 'yun? Super saya, hindi ko in-expect na mag-e-enjoy ako na gusto ko siyang balik-balikan every year,” sabi ni Elle.
Dagdag naman ni Derrick, “Tumakbo kami du'n tapos pumunta kami sa isang neighborhood na ang gaganda ng mga houses, ang gaganda ng mga roads.”
TINGNAN ANG PAGPUNTA NINA ELLE AT DERRICK SA VIETNAM SA GALLERY NA ITO:
Ang pinaka na-enjoy raw ng Kapuso couples sa Vietname ay ang kanilang food trip, shopping, at siyempre, coffee.
Ayon kay Elle, healthy at flavorful ang pagkain na natikman nila sa Vietnam. Ngunit ang isang hindi nila malilimutan, ang coffee na natikman nila doon.
“And the coffee na hinahanap-hanap namin hanggang ngayon,” sabi ni Elle.
Sobrang na-enjoy rin ng dalawa ang mag-shopping sa Vietnam at ayon kay Derrick, sobrang mura at convenient mamili roon.
“Imagine, 'pag bibili ka ng coat na ready to wear, ifi-fit pa nila sa 'yo on the spot tapos makukuha mo na same day,” saad ng aktor.
Huling napanood si Derrick sa murder-mystery drama series na SLAY, habang naging guest naman si Elle sa action-comedy series na Sanggang Dikit FR. Ngayon ay pareho silang napapanood sa drama-fantasy series na Encantadia Chronicles: Sang'gre bilang sina Almiro at Agua.
Panoorin ang panayam kina Elle at Derrick dito: