
Patuloy na magpapakita ng kaniyang talento sa Kapuso network ang Sparkle star na si Elle Villanueva nang naging kabilang siya sa Signed For Stardom 2024 noong May 16.
Sa isang exclusive interview kasama ang GMANetwork.com, ibinahagi ni Elle ang kanyang labis na pasasalamat at excitement na ngayon ay ganap pa rin siyang Sparkle actress.
Pahayag niya, "Extremely grateful to be part of Sparkle and to renew my contract. I'm very excited kung ano mangyayari next. Excited ako sa mga bagong challenges para sa akin and sa mas future successes as well with Sparkle. So I'm happy to be here signing with them and together with the other sparkle artists and their bosses. I'm happy to be here."
Marami raw dapat abangan kay Elle, lalo na nais niyang gumanap sa iba't ibang palabas at roles. Ngayon at katatapos lang ng kanyang revenge drama series na Makiling, gusto naman daw ng aktres sumabak sa action scenes.
Aniya, "Gusto ko po ng action, action drama. So I'm really looking into that kasi nakapag-action ako sa Makiling and I really enjoy it. Kahit nakakapagod siya pero 'yung pakiramdam na nagawa mo 'yun at nakita mo on-screen, kung paano na-execute 'yung action na iyon, ang sarap sa pakiramdam and ang ganda lang tingnan. Sabi ko parang nakaka-empower siya, especially babae ako and I'm doing action, (and) I'm doing my own stunts, that's really empowering."
Maliban sa pagganap niya sa Makiling, pinakita rin noon ni Elle ang kanyang brave at confident side bilang isa sa mga empowering women ng Sparkle 10.
Kasama niya ang iba pang bold and beautiful stars na sina Faith Da Silva, Rabiya Mateo, Ashley Ortega, Lianne Valentin, Shuvee Etrata, Lexi Gonzales, Angel Guardian, Liezel Lopez, at Kate Valdez.
Related gallery: The sexiest looks of Elle Villanueva