GMA Logo Elle Villanueva
Source: _ellevillanueva (IG)
Celebrity Life

Elle Villanueva, ipinakita ang cute side sa pickleball video

By Marah Ruiz
Published July 19, 2026 5:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Jelai Andres, napatawad na ang ex-husband at ang kaniyang sarili: 'Kasi kailangan'
PRO-6 probes alleged extortion try by supposed Iloilo cop
New Era of Romance: why the Philippines is evolving into a world-class wedding destination

Article Inside Page


Showbiz News

Elle Villanueva


Ipinakita ni Elle Villanueva ang cute side niya sa isang video tungkol sa pickleball.

Isa si Kapuso actress Elle Villanueva sa mga celebrities na nahilig sa popular sport na pickleball.

Sa isang video na ibinahagi niya sa kaniyang Instagram account, ipinakita ng aktres ng cute side niya habang naglalaro ng pickleball.

Makikita dito si Elle na suot ang kaniyang sporty maroon outfit na nasa court kasama ang ilang kaibigan.

Imbis na highlights ng laro, tila compilation ito ng mga sablay ni Elle.

"I swear I'm sporty," sulat niya sa caption ng kaniyang post.

A post shared by ELLE (@_ellevillanueva)

Kababalik lang ni Elle sa Pilipinas matapos magbakasyon sa Vietnam kasama ang mga kaibigang sina Ashley Ortega at Roxie Smith, pati na ang boyfriend na si Derrick Monasterio.

Balik-trabaho na rin siya dahil bilang bahagi ng upcoming action-drama series na Hari ng Tondo.

Pagbibidahan ito nina Kapuso Drama King Dennis Trillo at primetime action hero Ruru Madrid.

Iikot ang kuwento ng serye sa mga taong hinubog ng Tondo.

Bukod kina Dennis, Ruru, at Elle, bahagi rin ng serye sina Rocco Nacino, Ryza Cenon, Ysabel Ortega, Arra San Agustin, Victor Neri, Nonie Buencamino, at Isko Moreno.

Si Enzo Williams naman ang magsisilbing direktor ng serye.

SILIPIN ANG STORY CONFERENCE NG HARI NG TONDO DITO: