GMA Logo elle villanueva
What's Hot

Elle Villanueva, kabilang sa pagbabalik ng 'Shake, Rattle & Roll'

By Nherz Almo
Published September 30, 2023 2:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal Tagle visits the UAE for Simbang Gabi
Ika-169 nga kaadlawan sang Ilonggo nga baganihan nga si Graciano Lopez Jaena, ginakomemorar
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

elle villanueva


Elle Villanueva, sa pagiging bahagi ng 'Shake, Rattle & Roll: Extreme': “I think it's a new milestone for me.”

Bago ang teledramang Makiling, mapapanood muna ang isa sa mga bida nitong si Elle Villanueva sa horror movie na Shake, Rattle & Roll: Extreme.

Sa ginanap na press conference ng pelikula kamakailan, nagpasalamat si Elle na pagkakataong maging bahagi ng kilalang horror movie series ng Regal Entertainment.

“Noong narinig ko na kasali ako sa Shake, Rattle & Roll, I was so excited kasi napapanood ko na siya bata pa lang ako. Ang dami ko nang scenes na naaalal when you say Shake, Rattle & Roll. Kinalakihan ko 'yan, e, so ang dami kong naaalalang scenes talaga na iconic. So, after nine years, nagkaroon ulit ng Shake, Rattle & Roll.” sabi ni Elle.

Bukod dito, naging magandang pagkakataon din daw ito para makatrabaho ni Elle ang ilang aktor mula sa ibang network.

Aniya, “I'm so happy that I'm part of this movie, especially kasama ko ang mga cast from all of the networks as in halu-halo talaga. I get to meet a lot of people and we get to learn a lot from them and from the directors. Of course, it's an honor na makasama ko rin sila.”

Sa huli, sinabi ng dalagang aktres, “I think it's a new milestone for me and it's really humbling to be part of this [movie].”

Bukod kay Elle, bahagi ring ng Shake, Rattle & Roll: Extreme ang kapwa niya Sparkle artists na sina Paul Salas, Elle Villanueva, Angel Guardia, Dustin Yu, at Bryce Eusebio. Gayundin ang Magandang Dilag actor na si Rob Gomez.

Pagbibidahan din ito nina Iza Calzado, Jane de Leon, Paolo Gumabao, RK Bagatsing, Jane Oineza, Miggs Cuaderno, Donna Cariaga, AC Bonifacio, at Sarah Edwards. Mapapanood din dito ang content creators na sina Esnyr Ranollo at Ninong Ry, kasama ang director niya sa kanyang YouTube channel na si Ian Ginema.

Ang Shake, Rattle & Roll Extreme ay binubuo ng tatlong istorya, ang “Glitch,” “Rage,” at “Mukbang.” Ito ay ididirehe nina Richard Somes, Joey de Guzman, at Jerrold Tarog.