
Kinumpirma ng aktres na si Elle Villanueva na nililigawan na niya ng aktor na si Derrick Monasterio na nakasama niya doon sa GMA Afternoon Prime series na Return To Paradise.
Sa panayam ni Elle sa 24 Oras, inamin niyang mas naging close siya kay Derrick matapos ang taping ng kanilang programa. Sa katunayan, nitong Valentine's Day lamang ay nag-gym date ang dalawa.
"After nung show, mas naging stronger 'yung bond namin, mas madalas kaming nagkikita, and ang laki ng improvement sa communication namin. Like, we are very honest with each other," saad ni Elle sa panayam ni Cata Tibayan.
"Ang laki ng growth niya sa sarili niya, may initiative siya to do that. So much effort."
Pero paglilinaw ni Elle, hindi pa sila magkarelasyon si Derrick dahil hindi niya pa ito sinasagot.
Mapapanood ang full catch-up episodes ng Return To Paradise sa GMANetwork.com at sa GMA Network App.
SAMANTALA, SILIPIN ANG ILAN SA MGA NAKAKAKILIG NA EKSENA NINA ELLE AT DERRICK SA RETURN TO PARADISE DITO: