GMA Logo Elle Villanueva
Celebrity Life

Elle Villanueva, may gustong mapatunayan bilang aktres

By Jimboy Napoles
Published February 29, 2024 6:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

ICC confirms arrest warrant for Bato Dela Rosa over drug war killings
Mag-inahan sa Cebu, Gi-heart sa mga Netizen | Balitang Bisdak
TikTok Shop honors standout creators at 2026 Creator Awards

Article Inside Page


Showbiz News

Elle Villanueva


“Everytime na nire-reject ako, sabi ko, 'Humanda kayo, one day, ako 'yung hahanapin n'yo,” - Elle Villanueva

Kinabibiliban ngayon ang Kapuso actress na si Elle Villanueva dahil sa kanyang mahusay na pagganap bilang si Amira sa hit GMA Afternoon Prime series na Makiling.

Sa nasabing serye, kitang-kita at ramdam na ramdam ng mga manonood ang gigil ng karakter ni Elle sa mga kontrabidang umaapi sa kanya.

Pero may malalim pala na hugot ang panggigigil na ito ni Elle sa totoong buhay. Ito ang ikinuwento niya sa bagong episode ng podcast na Updated with Nelson Canlas.

Kuwento niya sa showbiz reporter na si Nelson, nakaranas din siya ng maraming rejections noon sa mga audition.

Aniya, “Before po kasi, nasa commercials ako, so andami kong auditions no'n, andaming as in effort talaga e, iisa-isahin 'yung studios sa isang araw, pupuntahan mo 'yun, pipila ka ng mahaba. Matagal talaga 'yun, talagang effort-an mo, tapos malalaman mo reject ka dahil sa weight mo or dahil sa skin mo dahil morena ka, madaming factors.”

TRIVIA: Get to know Kapuso actress Elle Villanueva

Kahit nasaktan, pinili naman ni Elle na gawin itong inspirasyon upang mas galingan pa sa trabaho.

“So parang iniisip ko, everytime na nire-reject ako, sabi ko, 'Humanda kayo, one day, ako 'yung hahanapin n'yo,' ganun. 'Yun 'yung root ko ngayon, kung bakit ko ginagalingan ngayon,” ani Elle.

Dagdag pa ng aktres, “That's the good thing 'di ba, kapag whenever people try to take you down, dapat hindi ka talaga magpa-apekto. Kung magpapa-apekto ka man, dapat pataas.”

Aminado rin si Elle na gustong-gusto niya na mas umangat pa sa kanyang career at may mapatunayan sa industriya.

“Talagang craving and hungry talaga ako for my own career success. Gusto ko talagang may mapatunayan sa industriyang 'to,” sabi ni Elle.

Subaybayan si Elle bilang si Amira version 2.0 sa mas pinatinding twists sa Makiling, Lunes hanggang Biyernes, 4pm sa GMA Afternoon Prime.