GMA Logo elle villanueva
Photo source: _ellevillanueva (IG)
What's Hot

Elle Villanueva, may pinapatamaan nga ba?

By Karen Juliane Crucillo
Published January 21, 2026 4:11 PM PHT
Updated January 21, 2026 4:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Hontiveros chides Curlee Discaya for remarks on 'restitution'
January 21, 2026: One Western Visayas Livestream
CinePanalo and FDCP partner to open global opportunities for Filipino filmmakers

Article Inside Page


Showbiz News

elle villanueva


Umani ng atensyon ang Instagram Stories ni Elle Villanueva. May pinapahiwatig nga ba ang aktres?

Ginulat ni Elle Villanueva ang kanyang fans at followers matapos mag-post ng sunod-sunod na cryptic messages sa kanyang Instagram Stories.

Ang tanong ng lahat: May pinapatamaan nga ba siya?

Sa isa sa kanyang Instagram Stories, ibinahagi ng aktres ang linyang, “Some angels are just good at pretending,” na tila may pinapahiwatig na mensahe.

Pagkalipas ng ilang oras, nasundan naman ito ng isang devil at fire emoji na lalo pang nagpa-curious sa kanyang mga fans.

Sa kanyang huling Instagram Stories, nagbahagi naman si Elle ng isang probisyon ng batas.

“Article 21. Any person who willfully causes loss or injury to another in a manner that is contrary to morals, good customs or public policy shall compensate the latter for the damage,” sulat niya.

Sa post ng Kapuso Brigade, marami ang nagtangkang hulaan ang posibleng isyung kinasasangkutan ng Sparkle artist.


Sa ngayon, wala pang pahayag si Elle kaugnay ng kanyang mga Instagram Stories.

Samantala, mapapanood si Elle sa upcoming GMA series na Apoy sa Dugo, kasama sina Ashley Ortega, Derrick Monasterio, Pinky Amador, at Ricardo Cepeda.

Abangan ang Apoy sa Dugo simula March 2 sa GMA.

RELATED GALLERY: IN PHOTOS: The sexiest looks of Elle Villanueva