GMA Logo Apoy sa Dugo actress Elle Villanueva
Photo by: Screenshot from 24 Oras
What's Hot

Elle Villanueva, nagsilbing wake-up call ang near-death experience sa Switzerland at isang diagnosis

By Aimee Anoc
Published February 27, 2026 2:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Straight from the Expert: Beauty Queen Boot Camp' (Part 1)
Miguel Tanfelix begins training for ‘Task Force, Firewall’
GMA Network welcomes courtesy visit from Soka Gakkai

Article Inside Page


Showbiz News

Apoy sa Dugo actress Elle Villanueva


Mula sa near-death experience sa Switzerland hanggang sa isang diagnosis, nagsilbi itong wake-up call ni Elle Villanueva para mas ma-appreciate ang buhay. Basahin dito.

Aminado ang Apoy sa Dugo actress na si Elle Villanueva na mahirap ang mga pinagdaanan niya sa buhay kamakailan.

Sa interview kay Nelson Canlas ng 24 Oras, binalikan ni Elle ang dapat na noo'y romantic vacation sa Switzerland kasama ang boyfriend na si Derrick Monasterio na naging near-death experience matapos siyang aksidenteng madulas habang nasa taas ng Mount Titlis at kinukuhanan ng photos ang aktor.

Kuwento ni Elle, dumausdos siya pababa at halos wala nang makita dahil sa fog. Nang mangyari ito, ang nasa isip na lamang daw niya ay kung "ito na ba 'yong [end]" dahil bago pa man mangyari ang trip na ito noong March 2025, aniya, ay nasa "dark place" siya.

"Before mangyari 'yung trip na 'yon nasa dark place ako, na I was being ungrateful na, 'cause I can't help it. Alam mo 'yung kapag ang dami ng thoughts na nangyayari sa mind mo, hindi mo na ma-filter out na nagiging ungrateful ka na, na ang dami mo ng question if what's happening is enough na ba. I think part din 'yon ng midlife, ng quarter-life crisis," pagbabahagi ni Elle.

Ayon sa aktres, naging wakeup call sa kanya ang aksidente. Nagpa-check din siya at nabigla sa sinabi ng doktor na hindi niya matanggap.

"Nagpa-check din ako and then 'yung sinabi sa akin ng doctor was really shocking to me na hindi ko siya ma-accept. She said something na it was shocking for me that I am diagnosed with this possibly," dagdag niya.

Nang tanungin kung kumusta na siya ngayon, sagot ni Elle, "I'm good. Natatakot lang akong bumalik 'yung ganu'ng feeling. Step by step muna. Kais dati masyado akong naka-focus sa isang bagay, sa career ko, so nakakalimutan ko 'yung sarili ko. Totoo pala siya.

"That slope made me realize that life itself is already a gift. Life itself is already enough. Gift siya ni God na pangalagaan mo. Tingnan mo 'yung magagandang bagay sa paligid mo dahil marami talaga. There are many things to be grateful for."

Ngayon, ani Elle, mas naging open siya sa buhay at sa pagbibigay ng love.

"Live to the fullest. Live at the moment. I spent so much time not looking at my phone. I don't use my phone as much. And, I do appreciate the people around me. I really take my time to talk to them.

"Nu'ng naging mas open ako sa buhay and I started caring less with what other people think. Just spreading the love. Alam mo 'yung kapag punong-puno ka na ng pagmamahal doon ka makakapagbigay ng pagmamahal sa iba."

Samantala, mapapanood si Elle Villanueva sa upcoming series na Apoy sa Dugo, simula March 2, 4:05 p.m., sa GMA.

Panoorin ang buong interview ni Elle Villanueva sa 24 Oras dito:

Related content: