GMA Logo Elle Villanueva
Source: _ellevillanueva (IG)
Celebrity Life

Elle Villanueva, nahilig sa hiking

By Marah Ruiz
Published June 4, 2025 12:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

RECAP: Team Philippines at the 2025 SEA Games
Isay band shines as first-ever Distilled Sounds PH champion
Third-culture kid

Article Inside Page


Showbiz News

Elle Villanueva


Hiking ang bagong nakahiligang hobby ni Elle Villanueva.

Isang bagong hobby ang nadiskubre ni Kapuso actress Elle Villanueva.

Nahilig siya kamakailan sa hiking dahil nakakapag-ehersisyo na siya, nakakakita pa siya ng magagandang tanawin at nakakapag-bonding kasama ang kanyang mga kaibigan.

Ibinahagi ni Elle ang ilang pictures at videos niya habang nagha-hiking kasama ang boyfriend na si Kapuso hunk Derrick Monasterio, pati na ang kaibigang si beauty queen and actress Sofia Senoron.

Sulat ni Elle sa Instagram, "… istep by da istep hanggang sa sumakses.”

"Hours on the stairmaster never felt so good add in some trees and voila hiking is my new cool hobby…" dagdag pa niya.

A post shared by ELLE (@_ellevillanueva)

Bukod sa hiking, mahilig din si Elle sa yoga dahil sa magagandang dulot nito sa fitness at mental health niya.

Source: _ellevillanueva (IG)

Bahagi si Elle ng primetime action-drama series na Lolong: Pangil ng Maynila.

Gumaganap siya rito bilang Tetet, isang maprinsipyong waitress sa bar.

Abangan patuloy na panoorin si Elle sa Lolong: Pangil ng Maynila, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.