
Mas naging espesyal ang birthday ni Sparkle artist Elle Villanueva dahil sa sorpresa sa kanya ni Derrick Monasterio.
Ayon sa report ni Aubrey Carampel sa para sa 24 Oras noong Martes, February 24, ibinahagi ng Apoy sa Dugo actress ang inihandang birthday surprise ni Derrick noong February 18.
“Sabi niya, magde-date daw kaming dalawa lang. Pagbukas ng pinto, nandoon lahat ng friends ko,” kuwento ni Elle.
Samantala, ibinahagi naman ng aktor na simpleng sorpresa lamang ang kanyang nagawa dahil pareho silang busy sa kanilang upcoming serye na Apoy sa Dugo.
“I wish I could've done more, pero kasi may work din kami, so parang 'yun na lang 'yung kaya,” paliwanag ni Derrick.
Gaganap sina Elle at Derrick bilang mag-asawa sa serye, kaya naitanong kung handa na rin si Derrick na umabot sa ganoong level sa totoong buhay at kung si Elle na ang kanyang mapapangasawa sa totoong buhay.
“Oo naman. 100%. Wala nang pag-aalinlangan pa,” diretsang sagot niya.
Abangan sina Elle at Derrick kasama si Ashley Ortega, Pinky Amador, Ricardo Cepeda, Thea Tolentino, Larkin Castor, Cai Cortez, at content creators na sina Fonzi at Toniyuh sa serye.
Mapapanood na ang Apoy sa Dugo simula March 2 sa GMA at GMA Prime.
Panoorin ang buong balita dito:
RELATED GALLERY: All the times Elle Villanueva and Derrick Monasterio proved they are the ultimate couple goals