GMA Logo Elle Villanueva and Pinky Amador
Photo source: _ellevillanueva (IG), pinkyamador (IG)
What's Hot

Elle Villanueva, natakot kay Pinky Amador sa unang eksena nila na 'Apoy sa Dugo'?

By Karen Juliane Crucillo
Published February 3, 2026 1:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ben&Ben to Gabbi Garcia, Khalil Ramos after 'Duyan' MV: 'We wish you nothing but more blessings'
Becky Armstrong is a stunner at the Australian Open 2026
92 rescued, 3 hurt after ship catches fire off Surigao City

Article Inside Page


Showbiz News

Elle Villanueva and Pinky Amador


Elle Villanueva sa unang eksena niya kasama si Pinky Amador sa 'Apoy sa Dugo': “Nakakalimutan ko 'yung lines ko kasi nakakatakot 'yung tingin niya.”

Nagsimula nang mag-taping si Elle Villanueva at iba pang cast ng upcoming GMA Afternoon Prime series na Apoy sa Dugo.

Sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com, ikinuwento ni Elle ang kanyang unang eksena kasama ang seasoned actress na si Pinky Amador, na unang beses niyang makakatrabaho sa isang serye.

“Bago kong kasama dito si Pinky Amador na nakakagulat na kalog pala siya kasi nakakatakot siya e,” kuwento ng aktres.

Para sa unang eksena niya kasama si Pinky, na-starstruck na siya dahil sa husay na ipinakita nito.

“Alam mo 'yung my gosh, my first eksena with Ms. Pinky kasi nagtatarayan kami, nakakalimutan ko 'yung lines ko kasi nakakatakot 'yung tingin niya,” pahayag niya.

Dagdag pa niya, “'Yung tingin pa lang niya parang hinihiwa ka na. Parang kinakain na ako ni Ms. Pinky. Ms. Pinky, wag mo muna ako tignan please, ganon.”

Inamin ni Elle na nakaka-intimidate si Pinky sa una nilang eksena. Ngunit dahil sa bonding nila sa set, nabawasan na raw ang kanyang kaba sa pakikipag-eksena kay Pinky.

“But as time goes by, nakapag-adjust naman na, so 'yun very mabait talaga si Ms. Pinky. I love her so much,” aniya.

Gaganap si Elle bilang Vanessa Sangalang, na daughter-in-law ni Pinky na gaganap bilang Sylvia Panganiban, ang nanay ni Derrick Monasterio.

Makakasama rin nila sa serye sina Ashley Ortega, Thea Tolentino, Patricia Coma, at Ricardo Cepeda.

Abangan ang Apoy sa Dugo simula March 2 sa GMA.

RELATED GALLERY: Cast ng 'Apoy sa Dugo,' ipinakilala na