
Inilahad ni Kapuso newbie Elle Villanueva ang pinaka-challenging part sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Return To Paradise, kung saan bibigyang-buhay niya ang karakter bilang si Eden Santa Maria.
Para kay Elle, isa sa mga challenging part ng kanilang shooting ay ang mga eksena na kukunan mismo sa dagat.
“Siguro ang pinaka-challenging na for me is 'yung mag-shoot sa dagat dahil madaming elements niya, hindi natin kontrolado 'yung nature. Magkakaroon kami ng mga eksena na nakalublob kami sa dagat or nagsi-swimming,” kuwento niya sa exclusive interview ng GMANetwork.com
Patuloy niya, “I think challenging talaga 'yon kasi hindi mo alam 'yung pwedeng mangyari pero nandyan naman sila Ms. Nieva for guiding us and may mga SO [safety officers] naman din for our safety, may medics naman din.”
Hamon din para kay Elle ang kanyang karakter na si Eden dahil ito ang kanyang kauna-unahang lead role at makakasama pa niya rito sina Kapuso hunk Derrick Monasterio at seasoned actress Eula Valdes.
“Challenging din ang role ni Eden, especially first lead role ko siya sa teleserye and makakasama ko pa sina Ms. Eula [Valdes] and Derrick [Monasterio],” ani Elle.
Samantala, nagsimula na ang lock-in taping ng Return To Paradise sa Jomalig Island, Quezon.
Kabilang din sa star-studded cast ng seryeng ito sina Teresa Loyzaga, Ricardo Cepeda, Liezel Lopez, Kiray Celis, Karel Marquez, Paolo Paraiso, at Allen Dizon.
Samantala, silipin ang mga larawan nin Elle Villanueva at Derrick Monasterio noong MEGA Ball 2022 sa gallery na ito.