
Bibida ang Kapuso couple na sina Elle Villanueva at Derrick Monasterio sa upcoming GMA drama series na Apoy Sa Dugo.
Sa "Chika Minute" report ni Nelson Canlas para sa 24 Oras, aminado ang Sparkle actress na may hamon pa rin para sa kanila ng aktor ang pagganap sa serye. Ayon pa sa report, ito ang unang pagkakataon na gaganap ang Kapuso couple sa mas mature na roles.
"Iba kasi 'yung away namin kapag may camera, iba rin kapag in real life. Kapag in real life kasi, it's more on kalmado, hindi pang-hapon. Hindi 'yung 'Ano ba!' Hindi 'yung matataas, hindi kami gano'n.
"Pero kapag on-screen, doon kami nahihirapan kapag nagbabangayan kasi hindi kami sanay. 'Yun 'yung medyo hirap na hirap kami na kapag mag-aaway kami na dire-diretso, 'yung pikpakan ng linya," pagbabahagi niya.
Ayon pa kay Elle, madali para sa kanya ang makatrabaho ang kanyang real-life boyfriend.
Aniya, "So far, working with Derrick is such a delight pa rin. Hindi pa rin ako nahihirapan. Sobrang dali na lang sa akin makahugot sa kanya."
Hindi ito ang unang beses na bumida sina Elle Villanueva at Derrick Monasterio sa isang serye. Pinagbidahan ng celebrity couple ang hit revenge series na Makiling at ang GMA Afternoon Prime series na Return To Paradise.
Samantala, ngayong nalalapit na ang Araw ng mga Puso ay inilahad ni Elle na si Derrick ang nagpaplano para sa kanilang Valentine's date. Bukod dito, abala rin ang aktres sa taping ng kanyang pinagbibidahang serye kung kaya't aniya ay wala pa siyang plano para sa nalalapit na kaarawan.
"Usually we go to other countries talaga, either beach or lilipad kami.
"Hindi ko pa alam, e. Siguro magpapa-dinner lang ako, gano'n muna. Medyo busy pa kami sa taping. Wala pa akong time to plan and have a day talaga for my birthday," aniya.
Panoorin ang buong "Chika Minute" report sa video sa ibaba.
Related Gallery: All the times Elle Villanueva and Derrick Monasterio proved they are the ultimate couple goals