GMA Logo pernillo sjoo ellen adarna derek ramsay
Photos from ramsayderek07 I(G) and yardymalinao (IG)
What's Hot

Ellen Adarna clears Pernilla Sjöö from being Derek Ramsay's alleged 'side chick'

By Jansen Ramos
Published November 18, 2025 1:56 PM PHT
Updated November 18, 2025 3:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

BTS reunites for a celebration ahead of Christmas
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News

pernillo sjoo ellen adarna derek ramsay


Nilinaw ni Ellen Adarna na hindi ang Siargao-based Swedish photographer na si Pernilla Sjöö ang tinutukoy niyang "side chick" ng ngayo'y estranged husband niyang si Derek Ramsay.

Ginulat ni Ellen Adarna ang online world kahapon, November 17, matapos isapubliko ang mga resibo tungkol sa umano'y pagtataksil ng kanyang asawang si Derek Ramsay.

Binasag ni Ellen ang kanyang pananahimik matapos maglabas ng screenshots na naglalaman ng pag-uusap ni Derek at ng umano'y "side chick" nito na ilang dekada nang kilala ng aktor.

Ayon kay Ellen, nag-uusap na ang dalawa sa simula pa lang ng kanilang relasyon. Naging opisyal silang naging mag-girlfriend at boyfriend ni Derek noong February 4, 2021 hanggang sa ikinasal sila noong November 11 noong taong ding iyon.

Ayon pa kay Ellen, hindi ex-girlfriend ng kanyang ngayo'y estranged husband ang tinutukoy niyang third party. Aniya, inabisuhan siya ng kanyang abogado na huwag ibinunyag ang identity nito.

Paglilinaw ni Ellen sa isang Instagram Story, hindi rin ang Siargao-based Swedish photographer na si Pernilla Sjöö ang aniya'y "side chick" ni Derek. Matatandang nadawit si Pernilla sa hidwaan sa pagitan nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo na umingay noong February 2025.

Pagklaro ni Ellen, "Btw (By the way) guys, The girl is NOT Pernilla. Pernilla is a very close friend."

Kalakip nito ang isang screenshot kung saan dineny ni Derek sa kanyang kausap ang akusasyon ni Ellen, bagay na pinasaringan ng huli. Sabi ni Ellen, "Awat na uy. Deny till you die. It's your way, your truth, and your life."

Nakasaad din dito na matapang na hinamon ni Derek na lumantad ang babaeng tinutukoy ni Ellen.

Samantala, dumalo si Pernilla sa binyag ng anak nina Ellen at Derek na si Liana noong February 27, 2025.

Karelasyon ni Pernilla ang kapwa niya trail runner na si Yardy Malinao.

KILALANIN PA SI PERNILLA SJOO SA GALLERY NA ITO.