GMA Logo ellen adarna
Photos from maria.elena.adarna (IG)
What's Hot

Ellen Adarna, lalayasan na si Derek Ramsay: 'I can't wait to move out'

By Jansen Ramos
Published November 18, 2025 6:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Zach LaVine has season-high 42 as Kings control Heat
'Wilma' weakens into LPA near Cataingan, Masbate
XG's Cocona undergoes top surgery, comes out as AFAB transmasculine non-binary

Article Inside Page


Showbiz News

ellen adarna


Ayon kay Ellen Adarna, nakatira pa rin siya ngayon bahay pa rin nila ni Derek kasama ang mga anak niya.

Sa gitna ng kanilang kontrobersiyal na hidwaan, marami ang nagtataka kung bakit kasalukuyan pa ring nakatira si Ellen Adarna sa bahay ng kanyang estranged husband na si Derek Ramsay.

Marami kasi ang nakapansin na pamilyar ang kuwarto kung saan madalas mag-record si Ellen ng kanyang videos. Kaya naitanong ng isang netizen sa 'Ask me a question' feature sa Instagram kung nakalipat na sila ng kanyang dalawang anak ng tirahan.

Paliwanag ni Ellen, pansamantala silang nakatira sa bahay ni Derek dahil ipinapaayos pa niya ang lilipatan nilang bahay.

Sabi niya, "Yeah, I'm still here because my house is still being renovated. Alangan namang palayasin n'ya 'ko dito. Andito 'yung anak n'ya sa akin, 'di ba? It will be done soon and I can't wait to move out."

Sa hiwalay na Instagram Story, sinagot din ni Ellen kung paano niya napaalis si Derek sa sarili nitong bahay.

Humantong daw sa barangayan ang kanilang alitan at dito sila nagkaroon ng kasunduan.

Aniya, "Pinabarangay ko siya twice, not once but twice but we have an agreement. This was like months ago, maybe three months ago. We have an agreement that he won't come back until I move into my new place. Tutal, I'll be gone forever, so just give me [time] until my new place is done and there."

May isang anak sina Ellen at Derek, ang isang taong gulang na si Liana.

Ang panganay ni Ellen na si Elias ay anak niya sa aktor na si John Lloyd Cruz.

Related gallery: Timeline of Derek Ramsay and Ellen Adarna's romance