
Kumasa rin sa nauusong trend ngayon ang former Bubble Gang star na si Ellen Adarna kung saan nag-post ito ng ilang favorite photos niya mula 10 years ago.
Sa Instagram Story ng sexy mom, ipinasilip niya ang kaniyang nearly-naked photo noong 2016 at sa sumunod na post niya ipinakita naman niya na nagdidilig siya ng halaman sa kaniyang bakuran ngayong 2026.
Source: maria.elena.adarna (IG)
RELATED CONTENT: Kapuso stars look back on their past selves in 2016
Naging sexy man ang image niya sa show business, sinabi naman nito sa Instagram post na wala siyang pinagsisihan sa kaniyang "hubadera era."
Nakaka-antig naman ang sumunod niyang post patungkol sa mga anak niya na sina Elias Modesto at Baby Liana. Kung saan gumawa siya ng collage ng cute photos ng mga ito.
Sabi niya sa caption ng IG Story, “My pride and joy. 2026 you already feel different.
“Calmer, sweeter, full of laughter, tiny moments, and big love. Just me, my kids, and the peace we prayed for.”
Source: maria.elena.adarna (IG)
Ang baby girl ni Ellen na si Liana ay anak niya sa estranged husband na si Derek Ramsay at si Elias ay supling naman niya sa award-winning actor na si John Lloyd Cruz.
RELATED CONTENT: Ellen Adarna and other Bubble Gang babes in their pa-tweetums era