GMA Logo ellen adarna wants mentally stable man
What's Hot

Ellen Adarna on her ideal man: "More mentally stable than me."

By Cara Emmeline Garcia
Published April 10, 2020 11:34 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

ellen adarna wants mentally stable man


Anu-ano ang mga hanap ni Ellen Adarna sa kanyang ideal man? Alamin:

Sinagot ni sexy actress Ellen Adarna ang ilang tanong ng kanyang followers sa isang question-and-answer portion sa Instagram.

Kabilang na diyan ang mga hinahanap na qualities ni Ellen sa mga manliligaw niya sa hinaharap.

Paliwanag ng aktres, mas focused na siya sa emotional at mental qualities nito kaysa sa physical attributes.

Aniya, “Now at 32, if he is a man of his word and his routine… Kebs (okay) na sa face, toes, hands, and height.

“And plus 100 billion points if he's more mentally stable than me and he got his sh*t together.”

Idinagdag pa niya na mas okay na sa kanya ang mapag-isa kaysa maging commited sa isang “unhappy” relationship.

Tanong ng netizen, “[Do you prefer] physically fit men but immature or fat but mature men?”

“[It's] better to be alone than unhappy and unsatisfied. I'm fine. Thank you,” sagot niya.

Sa pagtapos ng question-and-answer segment sa kanyang Instagram, naitanong ng isang netizen kay Ellen kung ano raw ang mapapayo niyang love advice ngayong single na siya muli.

Sambit niya, “Love can't stand alone.”

Muling naging usap-usapan ang tungkol sa hiwalayang Ellen Adarna at John Lloyd Cruz kamakailan pagkatapos siyang usisain ukol dito.

“Only God can answer this question,” ang simpleng sagot ng aktres.

Ang huling na-link kay Ellen ay si Carlos Lemus na nakitang magkasama habang nasa isang holiday getaway sa Madrid.

Ellen Adarna talks about son Elias, says she's not coming back to showbiz yet

Ellen Adarna on having anxiety, depression, and PTSD: “At first I thought I was gonna die”