
Kung mayroon gustong ipahiwatig si sexy star Ellen Adarna tungkol sa kanya at ang kanyang private life, ito ay mananatiling pribado.
Sa kanyang Instagram post noong Miyerkules, April 1, hindi na naman pinalagpas ni Ellen ang tatanong tungkol sa kanya at kay John Lloyd Cruz.
Sabi ng isang Instagram user, “I may have been stuck under a rock, but where are John Lloyd and your kid?”
Sagot ni Ellen, “It's better to just stay under that rock especially now that there's corona.”
Hanggang ngayon tahimik pa rin si Ellen tungkol sa kanyang anak na si Elias Modesto.
Sa katunayan, tinanggal ni Ellen ang mga litrato ni Elias simula nang magbalik ito sa Instagram ngayong taon.
Nang usisain siya patungkol dito, sagot ni Ellen sa netizen, “His father and I are protecting him and his privacy from chismosas like you."
Maliban sa kanyang anak, tahimik rin ang aktres sa current relationship status niya kay John Lloyd Cruz at bakit sila naghiwalay.
Sambit nito kamakailan sa tanong kung bakit sila naghiwalay, “Only God can answer this question.”
Unang naibalita ang hiwalayan nina Ellen at John Lloyd noong Agosto 2019.
Ayon sa reports, nagkaroon ng pag-aaway ang dalawa bago pa man magdiwang ng first birthday ang kanilang anak.
Ngayon ay busy raw ang dalawa na mag-co-parent sa kanilang anak.
Nagtungo si Ellen sa Bali, Indonesia ngayong Marso para sa isang 14-day mental training o Kokoro program.
Paliwanag ni Ellen, kinailangan raw niya ito pagkatapos ma-stuck sa isang black hole na umabot ng tatlong taon.
LOOK: Is this the new guy Ellen Adarna is dating?
Ellen Adarna clarifies she's not positive for COVID-19