
Sa gitna ng kontrobersiyang kinahaharap nila ni Derek Ramsay, nagbigay-linaw si Ellen Adarna tungkol sa naging relasyon niya sa dating partner na si John Lloyd Cruz.
Sa isang Instagram Story, sinagot ni Ellen ang tanong ng isang netizen kung kumusta na ang estado nila ng aktor. Ayon sa kaniya, maayos ang kanilang relasyon bilang magulang ng kanilang anak na si Elias.
"Kay JL dai wala talaga ako masabi. I have nothing but good things to say about him," pahayag ni Ellen.
Bagama't aminado siyang nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan noon, pinuri niya si John Lloyd sa pagiging responsableng ama.
"We had our differences in the past but I respect him because he is a very good provider. He is honest. He is a very present father. Like take note noong naghiwalay kami ni JL that was before Elias turned one year old, present siya," dagdag ng aktres..
Sa isa pang post, muling tinugunan ni Ellen ang lumang isyu na nag-ugat sa blind item ng content creator na si Xian Gaza. Nilinaw niyang hindi niya kailanman itinanggi ang anumang relasyon at dinipensahan si John Lloyd sa mga akusasyon.
"I never lied, I never denied, I just did not talk about the relationship at that time because I was not ready. But I never denied, I never lied," aniya. "I just reacted to the billionaires and about the father of Elias. Why, di ba? Bakit mo minamaliit?”
Dagdag pa niya, “He would charter a private plane for Elias during COVID, just to see his son. If you gonna talk about billionaires, private planes.”
Naging magkarelasyon sina Ellen at John Lloyd mula 2017 hanggang 2019. Noong 2018, isinilang ang kanilang anak na si Elias Modesto.
Samantala, usap-usapan ngayon ang serye ng Instagram Stories ni Ellen tungkol sa umano'y cheating allegations laban sa asawang si Derek Ramsay. Kalakip ng kaniyang paratang ang screenshots umano ng pag-uusap nito at ng isang babae.
Silipin ang adorable photos ni Elias Modesto sa gallery na ito: