GMA Logo Ellen Adarna
What's Hot

Ellen Adarna responds to basher who described her singing as "parang lasing"

By Cara Emmeline Garcia
Published August 23, 2020 10:48 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Rob Reiner’s son arrested on homicide charges after filmmaker, wife found dead
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Ellen Adarna


Alamin ang naging sagot ni Ellen Adarna sa kanyang basher na nagsabing “parang lasing ang peg!”

Hind nag-atubili si Ellen Adarna na sagutin ang isang basher matapos nitong laitin ang kanyang pagkanta.

Sa Instagram, ipinakita ng aktres ang kanyang galing sa pagtugtog ng piano habang kinakanta ang kantang “Yellow” ng British rock band na Coldplay.

Thank You @studiofreecia for 🌻🌼🌸🌺🌾💐🌹❤️ #yellow #coldplay

A post shared by EA (@maria.elena.adarna) on

Puna ng isang netizen, “Goshhhh wala naman ako naintindihan sa kinanta mo! Parang lasing ang peg!!!”

Sagot ni Ellen, “So who's problem is it kung wala kang na-comprehend? Don't worry dai, the universe will adjust itself for you so you will be able to understand everything that is confusing you.”

Sagot ni Ellen sa kanyang basher sa Instagram / Source: maria.elena.adarna (IG)

Kahit na may bumatikos sa kanyang pagkanta, marami pa rin ang humanga sa talentong ipinamalas ni Ellen sa social media.

Saad ng isa, “You truly are a goddess of beauty and talents.”

Reaksyon ng netizens sa Coldplay cover ni Ellen Adarna / Source: maria.elena.adarna (IG)