Isang magandang bata mula sa mayamang pamilya si Ellie Kim. Bukod dito, busilak pa ang kanyang kalooban.
Kinaibigan niya ang kaklase niyang si Anton Ji dahil madalas itong i-bully ng iba pa nilang kaklase dahil sa itsura at bigat nito. Naging close ang dalawa at nanatili ang kanilang pagkakaibigan kahit na nagtungo ang pamilya ni Anton sa Amerika.
Sa kasamaang palad, lumubog ang negosyo ng pamilya ni Ellie. Dahil dito, napabayaan niya ang kanyang sarili. Ang dating pretty swan noon, siyang naging ugly duckling ngayon.
Kaya naman nang gustong makipagkita ni Anton pagbalik nito sa Korea, nahiyang magpakita si Ellie dito—lalo na nang makita niyang naging guwapo at makisig ang binata.
Nakiusap si Ellie sa kanyang kaibigang si Katie na magkunwari bilang siya. Akala niya, ito na ang katapusan ng pakikipag-ugnayan niya kay Anton.
Pero sadyang mapaglaro ang tadhana dahil magiging boss pala niya ang kababata sa bago niyang trabaho!
Magtatago na lang ba siya habambuhay? Paano niya ipakikita kay Anton na kahit wala na ang kanyang magandang itsura, siya pa rin ang kababatang naging mabuti sa kanya noon?
Tampok si Hwang Jung-eum bilang Ellie Kim. Nagsimula siya sa showbiz bilang lead singer ng girl group na Sugar. Isa siya sa leading product endorsers sa Korea ngayon.
Minsan na siyang napanood sa mga GMA Heart of Asia offerings na Love Me, Heal Me at Secret Love.
Patunayang beauty is in the heart of the beholder sa Pretty Woman, Lunes hanggang Huwebes, simula January 30 pagkatapos ng Meant To Be sa GMA!
RELATED STORIES:
Patunayang looks don't matter sa Korean romcom na 'Pretty Woman'
Pretty Woman: Anyare sa looks niya?