
Nilinaw ni Elmo Magalona ang nakaraan nila ng Asia's Limitless Star na si Julie Anne San Jose an naging on-screen partner niya noon sa mga serye sa GMA Network.
Sa pagbisita ng singer-rapper kasama ang kapatid na si Arkin Magalona sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, March 27, itinanggi ni Elmo na nagkaroon sila ng relasyon ni Julie sa kabila ng kanilang love team noon.
“We were very good friends [who] really wanted to help each other bring our careers up during that time,” sabi ni Elmo.
“Ta's parang ganu'n 'yung nakikita nila, e, during the time na we were having love team performances together. But yeah, we were really good friends,” sabi ni Elmo.
Hindi rin umano niya sinubukan ligawan noon ng Asia's Limitless Star. Aniya, talagang hinangaan lang niya ang work ethics at pagiging responsable ng singer-actress.
“She's a very talented woman. I think we were just really too young to really give what the supporters wanted. We were really doing it because we both enjoyed performing, pero it just got to a point where people are looking for something more,” sabi ni Elmo.
BALIKAN ANG ILANG HIGHLIGHTS SA CAREER NI JULIE ANNE SA GALLERY NA ITO:
Pag-amin ni Elmo, matagal na silang hindi nag-uusap ni Julie at walang contact sa isa't isa.
Ngunit sabi niya, nagpansinan naman sila nitong huling nagkrus ang landas nila sa isang event. Sa katuanyan, bukas din umano siyang makatrabaho muli ang singer-actress.
“Yeah, we could see something like that to happen,” sabi ni Elmo.
Matatandaan bumida sa ilang Kapuso shows ang tambalan nina Julie Anne at Elmo, o mas kilala bilang JuliElmo, kabilang na ang 2012 romance-drama film na Just One Summer.
Related gallery: Surprising Celebrity Ex-Couples You Didn't Know About