What's Hot

Elmo Magalona, proud sa kanyang kapatid

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated November 6, 2020 4:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cloudy skies, rain over parts of PH on first day of 2026 — PAGASA
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News



Ipinahayag ni Elmo Magalona ang kanyang paghanga sa performance ng kanyang kapatid na si Arkin sa ‘Party Pilipinas’.
Ipinahayag ni Elmo Magalona ang kanyang paghanga sa performance ng kanyang kapatid na si Arkin sa ‘Party Pilipinas’. Text by Karen de Castro. Photo courtesy of GMA Network. stars Hindi na bago si Arkin Magalona sa showbiz. Bago pa man pumasok sa showbiz ang kanyang mga kapatid na sina Elmo at Saab Magalona ay lumabas na siya sa dalawang primetime shows ng GMA, ang Dyesebel at Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. But he is showing another side of him sa Party Pilipinas - ang kanyang pagiging isang performer. Marami ang natutuwa sa talentong ipinapakita ni Arkin sa show. Ano naman kaya ang pakiramdam ng kanyang kuya na si Elmo about his performance sa Party Pilipinas? “Kung paano po yung na-feel nung ate ko [Maxene Magalona] sa’kin nung nag-start ako, sobrang proud po ako kasi alam naman po natin na marunong din po siyang mag-perform in front of a lot of people,” says Elmo. “Kasi yung iba, kaya nila yung pagpe-perform, pero pag sa harap na ng maraming tao, parang nagkakaroon ng stage fright. Si Arkin naman po, hindi naman po niya na-experience yung stage fright, kaya kaya niya rin.” It’s no secret na nakuha ng mga magkakapatid na Magalona ang musical talent ng kanilang ama, the late Master Rapper Francis Magalona. Ngayong apat na silang nasa showbiz, at nagpe-perform sila sa Party Pilipinas, is there any possibility na gumawa ang magkakapatid ng album in the near future? “Hindi naman po namin naiisip yun. Kasi kung ganun, oo, maari rin namang mangyari yun kasi kumakanta rin naman po sila,” paglalahad niya. But aside from an album, Elmo has an idea of his own as well. “Or puwedeng parang gumawa ng reality show kasi halos almost everytime kaming magkakasama.” Tiyak na aabangan ng mga fans ang susunod na career move ng mga magkakapatid na Magalona. In the meantime, patuloy na mapapanood sina Elmo at Arkin sa Party Pilipinas every Sunday on GMA. Pag-usapan si Elmo sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!