
Big ang love ng fans para sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento matapos makapagtala ito ng high TV ratings nitong Sabado ng gabi.
Nakakuha ng flagship comedy show ng 9.0 percent TV rating last November 2 base sa datos ng NUTAM People Rating na mas mataas sa katapat nitong programa.
Nakatanggap ng standing ovation si Elsa (Manilyn Reynes) nang magbigay ito ng speech sa kaniyang graduation ng matapos niya ang kaniyang Business Management Course.
Ayon sa misis ni Pepito Manaloto (Michael V.) na base sa kaniyang pananaw napakahalaga ang pagsusumikap dahil tulad ng kaniyang asawa sinamahan niya ang suwerte niya nang manalo siya ng lotto ng pagtitiyaga.
Sabi ni Elsa, “Madalas sinasabi natin lahat nagsisimula sa pangarap. Pero ako, lahat nagsimula sa nag-iisang tanong ko sa sarili ko.
“At ang tanong na 'yun ay dahil sa asawa ko. Kilala halos lahat ang asawa ko si Pepito, sinuwerte, nagka-pera, nagkanegosyo at nagkaroon ng masayang buhay.
“Pero napatanong ako, ilang porsyento nga ba run 'yung suwerte? At ilan porsyento rin din 'yung pagsusumikap? Lamang siguro yung suwerte , lamang siguro 'yung pagsusumikap. Hindi ko alam.”
Pagpapatuloy niya, “Hindi ko masagot pero sa iisa ako sigurado, ang suwerte hindi magtatagal kung walang pagsusumikap. At ang pangarap, hindi mabubuo kung hindi mo pagsusumikapan. Mahalaga ang suwerte, pero mas higit na mahalaga 'yung may tiyaga. 'Yung pagbalik sa sinimulang pangarap at 'yung mga pagsisikap.”
Balikan ang inspiring message ni Elsa na napanood sa episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento na ipinalabas noong Sabado ng gabi sa video below!
Happy graduation, Elsa!
Pepito, pasabog ang grad gift para kay Elsa!
MORE FUNNY SCENES SA PEPITO MANALOTO:
Kakaibang plot twist sa taon ni Roxy!
Speech training with sosyal BFF!
Roxy, may bagong target?!
Pamangkin, bet ni tito?!
For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit www.gmapinoytv.com
Puwede n'yo rin balik-balikan ang past episodes at highlights ng multi-awarded Kapuso sitcom by visiting this SHOWPAGE.