
Inabangan ng viewers at Encantadiks ang pagkikita nina Pirena (Glaiza De Castro) at Mona (Manilyn Reynes), ang ina ni Terra (Bianca Umali), sa high-rating GMA Prime series na Encantadia Chronicles: Sangˈgre.
Ang naturang eksena ng pagkikita nina Sangˈgre Pirena at Mona, na ginagampanan ng versatile actress na si Manilyn Reynes, ay umani ng one million views sa Facebook in less than 24 hours.
Pero lumabas ang pagiging komikero ng ilang netizens na 'tila hindi si Mona ang nakita ni Pirena kung hindi ang asawa ni Pepito (Michael V.) na si Elsa Manaloto sa award-winning sitcom na Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.
Biro ng isang fan nang mag-comment sa Facebook: “Elsa vs Pirena.”
Source: GMA Network (FB) and GMA Drama (FB)
Panoorin ang viral moment sa pagitan nina Pirena at Mona sa video below.
Samantala, ito naman ang teaser para sa latest episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong Sabado (August 9), pagkatapos ng 24 Oras Weekend.
RELATED CONTENT: 'Pepito Manaloto' characters: Then and Now