
Totoo bang loyal si Pitoy (Michael V.) sa misis niyang si Elsa (Manilyn Reynes)?
May duda kasi si Elsa na may ibang babae ang kanyang milyonaryong mister dahil sa mga nabasa nito sa text.
Tama kaya ang kutob niya kay Pepito?
Alamin ang mangyayari sa Sabado ng gabi, July 20, sa award-winning sitcom na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento pagkatapos ng 24 Oras Weekend.