GMA Logo elvis gutierrez
Celebrity Life

Elvis Gutierrez, binalikan ang unang pagkikita nila ni Alexa

By EJ Chua
Published August 2, 2024 11:46 AM PHT

Around GMA

Around GMA

US Justice Dept releases card mentioning Trump, purportedly from Epstein to Nassar
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

elvis gutierrez


Elvis Gutierrez sa kanyang yumaong asawa na si Alexa: It's really an honor babe, to know you.”

Nagluluksa ang pamilya Uichico at Gutierrez sa pagpanaw ni Alexa Uichico-Gutierrez, ang asawa ni Elvis Gutierrez.

Pumanaw si Alexa noong July 27, matapos ang kanyang naging laban sa sakit na leukemia.

Sa Instagram Stories, isang video ang in-upload ni Ruffa Gutierrez, kung saan mapapanood ang eulogy speech ng kanyang kapatid na si Elvis para kay Alexa.

Inilahad ni Elvis kung paano at saan niya unang nakita noon ang kanyang asawa.

Pahayag niya, “We met at the party at one of my best friend's houses in Tagaytay.”

Pagpapatuloy ni Elvis, “Tinanong ko sa common friends… na ka-close ko rin, ang sabi ko, sino 'yung Chinita na nakaupo doon, ang cute niya, ah.”

Mensahe ni Elvis sa kanyang yumaong asawa, “It's really an honor babe, to know you and to have witnessed and loved such a special, special person.”

Sina Alexa at Elvis ay mayroong dalawang anak na babae, sila ay sina Aria at Ezra.

Balikan ang ilang magagandang alaalang iniwan ni Alexa rito: