
Ngayong Pebrero, ipapalabas sa GTV ang virtual concert ni Ely Buendia na pinamagatang "#Superproxies."
Bukod sa iconic OPM Rock legend na si Ely, mapapanood din dito ang Filipino Indie Rock band na Nobody's Home.
Ang grupong Nobody's Home ay binubuo ng tatlong miyembro na sina Justine Punzalan (guitarist), Cairo Peralta (drummer), at ang anak ni Ely na si Eon Buendia (frontman/vocalist).
Unang nakilala ang banda na Nobody's Home noong 2020 sa kanilang kauna-unahang single na "12:00 Midnight."
Tinawag ni Ely na "Superproxies" ang concert na ito upang alalahanin ang 'Superproxy 2K6' na song collaboration nila ng kanyang kaibigan at namayapang rapper na si Francis Magalona.
Matatandaang September 2021 nang unang inanunsyo ni Ely sa kanyang social media account ang ilang detalye tungkol sa naturang virtual concert.
Ayon sa caption ni Ely sa kanyang Instagram post, “There's no substitute for the real, but for now we do what we can to keep the music and our souls alive. Superproxies, ito ang kailangan mo, isaksak lang ang modem mo. Featuring Nobody's Home.”
Huwag palampasin ang natatanging pagtatanghal nina Ely Buendia at Nobody's Home sa #Superproxies, malapit nang mapanood sa GTV.
Mapapanood ang #Superproxies at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.