What's Hot

Elyson de Dios at Ayra Mariano, desididong tapusin ang pag-aaral

By AL KENDRICK NOGUERA
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 19, 2020 7:18 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Oscars to stream exclusively on YouTube from 2029: Academy
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras
Concerns raised over damage to flood control project in Surigao del Norte

Article Inside Page


Showbiz News



Ano kaya ang mga kursong gusto nilang kunin sa kolehiyo?


 


Mula nang sumali sa StarStruck sina Elyson de Dios at Ayra Mariano, inamin ng dalawa na napabayaan nila ang kanilang pag-aaral. Dahil baguhan pa lamang sa industriya, pinili muna ng dalawang Kapuso stars na mag-focus sa kanilang showbiz career lalo na ngayon na mayroon silang teleserye, ang Poor Señorita.

First year college si Ayra nang itigil niya ang pag-aaral, samantalang grade nine naman si Elyson. Huminto ang dalawa nang makabilang sa finalists ng StarStruck noong nakaraang taon.

Pero ayon sa kanila, nakakapag-adjust na sila sa kanilang career ngayon kaya't posible na nilang ituloy ang kanilang pag-aaral. Ani Ayra, "Balak ko talagang mag-home study kasi siyempre, gusto ko rin mag-aral. Kaya ko naman mag-multi-task, mag-aaral ako habang nagwo-work."

Saad naman ni Elyson, "Sayang [ang pag-aaral] pero sayang din ang opportunity na maging artista. Kapag may chance, magho-home study talaga ako."

Agad na sumagot ang dalawa nang tanungin kung anong kurso ang gusto nilang kunin sa kolehiyo. "Gusto kong maging chef. Gusto kong matutong magluto," bahagi ni Elyson.

Samantala, nais naman ni Ayra na kunin ang kursong mass communication. "Kasi parang narito na rin ako [sa showbiz] since nag-start ako as a commercial model. Namulat na ako sa ganito, sa camera, [sa] set," paliwanag niya.

MORE ON ELYSON DE DIOS AND AYRA MARIANO:

READ: Ayra Mariano at Elyson de Dios, pressured sa kanilang unang primetime series

READ: Regine Velasquez, ni-request na maging part sina Elyson de Dios at Ayra Mariano ng Poor Señorita

LOOK: Celebrity Trivia: Alam ba ninyo na isang promdi si Elyson de Dios?