GMA Logo Eman Bacosa
What's Hot

Eman Bacosa, emosyonal na ibinahagi ang pangungulila sa ama niyang si Manny Pacquiao

By Karen Juliane Crucillo
Published November 11, 2025 3:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCSO: No winners in 6/49, 6/58 lotto draws on Sunday, Dec. 28
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Eman Bacosa


Eman Bacosa: “I've always longed for my father's love ever since I was a child.”

Simula nang makilala sa boxing world, naantig ni Eman Bacosa, ang anak ng Filipino boxing legend na si Manny Pacquiao, ang mga netizen, hindi lang dahil sa galing niya sa boksing kundi pati na rin sa kwento nila ng kanyang ama.

Sa November 9 episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho, ibinahagi ni Eman ang kanyang karanasan sa paglaki nang wala si Manny sa kanyang tabi.

“Noong una, nasasaktan ako, noong bata ako, lagi akong magagalitin. Naiinggit sa ibang bata, lalo na kapag nakikita ko 'yung Father's Day, nakikita ko na kasama nila 'yung Papa nila,” ikinuwento niya.

Dagdag pa niya, “I've always longed for my father's love ever since I was a child. I barely know him.”

Ibinahagi rin ni Eman na isa sa kanyang mga hiling noon ay ang makasama ang kanyang ama.

“Sana, Lord, makasama ko man lang siya kahit buong araw o saglit lang ganon 'yung bata pa ako,” aniya.

Sa kabila ng paglaki niya nang wala si Manny, hindi pa rin napigilan ni Eman na ipagmalaki ang kanyang ama.

“Simula noong bata po ako, kilala ko na talaga si daddy Manny Pacquiao. Syempre sobrang saya ko po, nabubusog po 'yung puso ko,” pahayag ni Eman.

Laking pasasalamat din ni Eman na sa lahat ng puwedeng maging ama, ang nag-iisang Manny Pacquiao pa ang kanyang tatay.

“Lagi ko pong pinagmamayabang sa classmates ko, 'uy, uy tingnan ninyo si daddy Manny Pacquiao, tatay [ko],” sabi niya.

Gayunman, inamin ni Eman na may mga advantage at disadvantage din ang pagiging anak ng isang Pacquiao. Ibinahagi niya na naranasan niyang ma-bully noon dahil anak siya ng Filipino boxing legend.

Ngayong mas nakikilala na siya bilang anak ni Manny, nilinaw din ni Eman na maayos ang relasyon niya kay Jinkee Pacquiao.

Ibinahagi naman ni Eman na ang unang pagkikita nila ng kanyang ama mula nang siya'y lumaki ay noong 2022, isang moment na hindi raw niya malilimutan sa buong buhay niya.

Ginawang “Pacquiao” ni Manny ang apelyido ni Eman noong August 17, 2023, bilang simbolo ng kanyang pagkilala at pagbawi sa anak, at para mas mapabilis ang pag-usad nito sa larangan ng boxing.

Masaya si Eman na unti-unti na niyang naaabot ang kanyang pangarap, bukod sa nakakasama na niya ang kanyang ama. Taos-puso rin siyang nagpasalamat sa walang sawang suporta ni Manny sa kanyang boxing career.

“Sinusuportahan niya na po ako sa pangarap ko, sa pagbo-boxing ko, so na-appreciate ko,” sabi niya.

Ang huling laban ni Eman ay sa Thrilla in Manila 2 na ginanap sa Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City noong October 29.

Tinalo ni Eman si Nico Salado ng Bohol sa pamamagitan ng unanimous decision, kung saan nagtala ang mga hurado ng iskor na 58-55, 58-55, at 60-53.

RELATED GALLERY: Meet Eman Bacosa Pacquao, a rising boxing champ