
Bukod sa pagiging boxer, pumasok na rin sa mundo ng showbiz si Eman Bacosa Pacquiao, isa sa mga anak ng Filipino boxing legend na si Manny Pacquiao.
Ngayong opisyal nang isang Sparkle artist si Eman, unti-unti na niyang nakikilala ang mga kasama niya sa entertainment industry.
Sa pagsasama-sama ng Sparkle stars kamakailan lang, personal na na-meet ni Eman ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 Kapuso Big Winner na si Caprice Cayetano.
Nakapagpa-picture at na-meet niya rin sa event ang actress at fashion icon na si Heart Evangelista.
Sa naging panayam ni Nelson Canlas kay Eman, inilahad ng bagong Sparkle star ang naramdaman niya matapos makilala at makaharap ang ilang artista na napapanood niya lang noon sa mga palabas sa TV at online.
Pahayag ni Eman, “Siyempre sobrang saya kasi noon nakikita ko lang sila sa TV, phone ganon. Na-excite ako and super happy ako.”
Video courtesy: 24 Oras, GMA Integrated News
Ang boxer-actor ay kabilang ngayon sa cast ng ongoing action-drama series na Never Say Die, kung saan co-stars niya rito sina Jillian Ward, David Licauco, at iba pang Sparkle stars.
Related gallery: Eman Bacosa Pacquiao is now a Sparkle artist