GMA Logo Eman Bacosa Pacquiao, Anton Vinzon
What's Hot

Eman Bacosa Pacquiao expresses willingness to train Anton Vinzon in boxing for his upcoming series 'Kamao'

By EJ Chua
Published March 23, 2026 5:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Claire Castro seeks P500M in damages from Leviste
Bride na stroke survivor, naghatid ng inspirasyon | One North Central Luzon
Chappell Roan responds to Brazilian footballer's claims

Article Inside Page


Showbiz News

Eman Bacosa Pacquiao, Anton Vinzon


Nakaabang na rin ang bagong Sparkle star na si Eman Bacosa Pacquiao sa pagpapalabas ng upcoming boxing-drama series na 'Kamao.'

Isa si Eman Bacosa Pacquiao sa mga excited na sa upcoming boxing-drama series na pinamagatang Kamao.

Mapapanood bilang lead actor sa serye ang Sparkle star na si Anton Vinzon, kung saan gaganap siya bilang isang boksingero.

Sa naging panayam ni Nelson Canlas kay Eman, sinabi niya na game siyang i-train at tulungan si Anton sa mga eksenang kailangan ang kanyang skills sa boxing.

Sagot ni Eman tungkol dito, “If ever na may pagkakataon o bigyan po ako ng pagkakataon, why not po, exciting din naman po 'yun eh kasi boxing role or action is my forte.”

Si Eman ay isa sa mga anak ng Filipino boxing legend na si Manny Pacquiao at si Anton naman ay anak ng aktor na si Roi Vinzon.

Si Anton ay nakilala at napanood bilang isa sa Kabataang Pinoy housemates sa katatapos lang na pagpapalabas ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Courtesy: 24 Oras, GMA Integrated News


Samantala, ang boxer-actor na si Eman ay kabilang ngayon sa cast ng ongoing action-drama series na Never Say Die, kung saan co-stars niya rito sina Jillian Ward, David Licauco, at iba pang Sparkle stars.


Related gallery: Eman Bacosa Pacquiao is now a Sparkle artist