GMA Logo Eman Bacosa Pacquiao
Source: Mark Joseph Carreon
What's Hot

Eman Bacosa Pacquiao, handa na sumabak sa pag-aartista

By Mark Joseph F. Carreon
Published November 20, 2025 3:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alex Eala’s clay-court swing: Upcoming tournaments, schedule, and season recap
Healers, herbalists gather in Siquijor anew for healing festival
How the latest smartphones are embracing the beauty of the unfiltered journey

Article Inside Page


Showbiz News

Eman Bacosa Pacquiao


Rising boxing champ, Eman Bacosa Pacquiao, handa na sumabak sa mundo ng showbiz at pangarap na makatrabaho si Dingdong Dantes.

Hindi lang sa boxing handa ang young champion na si Eman Bacosa Pacquiao, ngayon handa rin siya sa panibagong career sa kanyang pagpasok sa showbiz matapos opisyal na pumirma sa Sparkle GMA Artist Center noong Martes, November 19.

Nagpapasalamat si Eman sa lahat ng sumusuporta sa kanya at sa panibagong oportunidad na ibinigay sa kanya ngayong isa na siyang opisyal na Sparkle star.

Isang unexpected break ito para kay Eman at nagpapasalamat siya sa Panginoon sa pagbibigay sa kaniya ng biyayang ito.

“I think this is where God put me, so I'll follow his plan,” ayon sa kanya.

Ibinahagi rin ni Eman na handa na siyang ipakita ang kanyang acting skills pati na rin ang galing niya sa pagsasayaw. Ayon sa kanya, ready na rin daw siyang sumabak sa mga acting workshops para mas maging mahusay sa bagong tinatahak na career.

Sa isang ekslusibong panayam sa GMA Network.com, ibinahagi rin ni Eman na aktor na gusto niyang makatrabaho.

“Si Dingdong Dantes po, siya po kasi 'yung laging pinapanood ko; sa lahat po ng movies, siya po lagi,” sagot ni Eman.

Naging matunog kamakailan ang kanyang pangalan sa social media at nagpapasalamat siya na marami ang mga taong nakaka-appreciate at patuloy na humahanga sa kanya.

“Thankful po ako kasi may mga taong nakaka-appreciate sa akin at blessed na blessed po ako,” sabi ni Eman.

Si Eman Bacosa Pacquiao ay anak ng Filipino boxing legend na si Manny Pacquiao at ni Joanna Rose Bacosa.

Bagama't pamilyar na ang mukha niya sa publiko, lalo siyang naging bukambibig kamakailan nang lumaban siya sa "Thrilla in Manila 2" noong October 29 sa Araneta Coliseum.

Bukod sa pagbo-boxing, nakita na rin si Eman sa iba't ibang Kapuso shows, kabilang ang isang episode ng 'Kapuso Mo, Jessica Soho' kung saan niya nakilala si Piolo Pascual, na diumano'y kahawig niya ayon sa mga netizens. Lumabas din siya 'Fast Talk With Boy Abunda' kung saan inamin niya ang kanyang admiration sa Kapuso actress na si Jillian Ward.

Related Gallery: Eman Bacosa Pacquiao Is Now A Sparkle Star