GMA Logo Eman Bacosa Pacquiao
What's on TV

Eman Bacosa Pacquiao, kumpirmadong papasok sa 'Never Say Die'

By Marah Ruiz
Published March 15, 2026 10:49 AM PHT

Around GMA

Around GMA

343 Pinoys from Middle East return to PH amid turmoil
Seoul's Super Matcha opens first PH branch; plus menu and prices
P95M shabu seized, alleged drug courier nabbed in Surigao City

Article Inside Page


Showbiz News

Eman Bacosa Pacquiao


Kumpirmado na ang pagpasok ni Eman Bacosa Pacquiao sa 'Never Say Die.'

Nandito na si "Big Guy!"

Kumpirmado nang papasok ang young boxer na si Eman Bacosa Pacquiao sa GMA Prime action-drama series na Never Say Die.

Makakasama niya dito ang kanyang celebrity crush na si Star of the New Gen Jillian Ward na isa sa mga lead stars ng serye.

Matatandaang ipinakilala ni Jillian si Eman bilang "Big Guy" sa isang TikTok video na kinunan nila matapos niyang manood ng boxing match nito sa Bohol.

Sa recent contract signing event naman ng aktres, ipinahayag niyang bukas siyang makatrabaho si Eman.

Mabuting magkaibigan ang dalawa at ito ang unang pagkakataon na magkakatrabaho sila.

Ano kaya ang magiging role ng boksingero sa serye?

Abangan si Eman Bacosa Pacquiao sa action-drama series na Never Say Die, Monday to Friday, 8:50 p.m. sa GMA Prime. May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m.

Maaari rin itong i-livestream sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.

Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.