What's on TV

Eman Bacosa-Pacquiao, may gustong patunayan kaya nag-boxing

By Kristian Eric Javier
Published November 19, 2025 11:04 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Recto orders coordinated action to boost counter-terrorism efforts
Alleged bodyguards of suspect in Cebu City hit & run case nabbed
Gabbi Garcia and Khalil Ramos discuss their 9-year relationship in local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

emman bacosa pacquiao


Ano at kanino may gustong patunayan si Eman Bacosa-Pacquiao sa pagsabak niya sa boxing?

Unti-unti nang nakikilala ngayon sa larangan ng boksing si Eman Bacosa-Pacquiao, na anak ni People's Champ Manny Pacquiao. Ito ay matapos siyang lumahok sa boxing competition at nnapanatili ang maganda niyang record “Thrilla in Manila 2,” ang boxingevent na inorganisa ng kaniyang ama.

Ngunit pag-amin ni Eman sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, November 18, hindi naman talaga niya gusto noong una ang boksing. Sa katunayan, pinasok lang niya ito dahil may gusto siyang patunayan.

Sa naturang episode, tinanong siya ni King of Talk Boy Abunda, “Gusto mo bang maging as great as your father?”

Sagot ni Eman, “No, I just want to prove something po, na I deserve his love and acknowledgement po. Atsaka gusto ko rin ma-honor 'yung mama ko.”

MAS KILALANIN PA SI EMAN BACOSA-PACQUIAO SA GALLERY NA ITO:

Gusto rin niya umanog bigyang-pugay ng kaniyang stepfather na si Sultan Dino sa pagiging ama nito sa kaniya at sa pagsuporta nito sa pagtupad ng pangarap ng batang boksingero.

“He supported me po ng walang hesitation po. 'Yun din po 'yung nag-boost ng confidence ko na may naniniwala po palang tao sa 'kin, sa kakayahan ko po nu'ng kahit sino'ng tao, walang naniniwala sa 'kin,” pagbabahagi ni Eman.

Kwento ni Eman, may mga tao pa nga na nagsasabing 'wag na siyang mag-boxing, at pinayuhan na mag-aral na lang.

Ngunit ang sabi umano ng kaniyang Papa Sultan, “Kaya mo 'yan, 'nak, magtiwala ka lang sa Panginoon kasi bakit tayo nandito? Kasi ito 'yung plano ng Panginoon para sa 'yo. May lakas ka, anak.”

Isa pa umanong nagtulak kay Eman na pasukin ang naturang sport ay noong napanood niya ang laban ng ama kay Shane Mosley noong 2011 sa edad na nine years old.

“'Yung nag-fight po siya kay Shane Mosley, nine years old po ako nu'n, e. ' Yun din po 'yung nag-inspire din sa akin na 'Let's try boxing,'” sabi ni Eman.

Ngayon, masasabi ni Eman na maganda ang relasyon niya sa amang si Manny, “Maayos po 'yung relasyon namin. Paminsan-minsan, tinuturuan niya po ako, kinakausap po. Telepono, minsan face to face po, 'pag 'di po siya busy sa mga bagay po.”

Panoorin ang panayam kay Eman sa video sa itaas.