
Malapit nang mapanood si Eman Bacosa Pacquiao sa GMA Prime action-drama series na Never Say Die.
May eksena siya sa isang boxing gym kasama ang isa mga bida ng serye na si Star of the New Gen Jillian Ward.
Sa pagitan ng pagsu-shoot ng kanilang mga eksena, tinuruan ni Eman si Jillian kung paano maglagay ng handwraps.
Ginagamit ang handwraps bilang karagdagang layer ng protection sa kamay sa ilalim ng boxing gloves.
Binalot ni Eman ang kamay ni Jillian ng pink na handwraps para makita ng aktres kung paano ito gawin.
Nakatakdang mapanood si Eman sa Never Say Die sa April 24.
Abangan si Eman Bacosa Pacquiao sa action-drama series na Never Say Die, Monday to Friday, 8:50 p.m. sa GMA Prime. May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m.
Maaari rin itong i-livestream sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.
Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.