GMA Logo eman bacosa pacquiao
Source: Unang Hirit
What's Hot

Eman Bacosa Pacquiao, nagseselos kay Raheel Bhyria dahil kay Jillian Ward?

By Mark Joseph F. Carreon
Published March 18, 2026 2:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Vice mayor arrested over shabu in Camiguin Province —PDEA
P2P bus starts Clark - PITX route
Motorist run over by truck in Iloilo; dies

Article Inside Page


Showbiz News

eman bacosa pacquiao


Nagseselos nga ba si Eman Bacosa Pacquiao sa pagiging malapit nina Raheel Bhyria at Jillian Ward? Alamin dito:

Sa segment na “Face Card” ng morning show na Unang Hirit ngayong Miyerkules, March 18, sumalang si Eman Bacosa Pacquiao sa isang masayang interview kasama sina Arnold Clavio at Suzi Entrata-Abrera.

Dito, ipinakita ang larawan ni Raheel Bhyria, isa sa stars ng GMA Prime series na Never Say Die, kung saan magiging bahagi si Eman bilang aktor.

Nais daw itanong ni Eman kay Raheel, “Since sinasabay niya ang boxing at pag-a-acting din, gusto ko pong matanong sa kanya, paano niya po 'yun nama-manage; nape-pressure ba siya?”

Hindi naman pinalampas ni Suzi ang pagkakataon na tanungin ang boksingero kung nakakaramdam ba ito ng selos kay Raheel dahil sa pagiging “close” nito kay Jillian.

Diretsahang sinagot ni Eman na nagkausap na sila ni Raheel kamakailan, bagaman hindi na siya nagbigay ng karagdagang detalye tungkol sa nilalaman ng kanilang pag-uusap.

Binigyang-diin din niya na sina Raheel at Jillian ay nananatiling mabuting magkaibigan lamang.

Matatandaang spotted si Jillian Ward sa naging laban ni Eman sa Bohol kamakailan upang personal na magbigay ng suporta. Ayon kay Eman, malaki ang pasasalamat niya sa aktres at sa pamilya nito.

“Full support po siya sa akin, pati po family niya. Pati ako rin po, sa kanya sa pagiging artist niya,” ani Eman.

Bukod sa boxing, pinasok na rin ni Eman ang mundo ng pag-arte. Ibinahagi niya ang kanyang karanasan sa taping ng GMA Prime series na Never Say Die, kung saan inamin niyang nakaramdam siya ng matinding kaba sa kanyang unang proyekto.

“Nakakakaba po at saka po exciting kasi 'yun po 'yung first acting project ko,” pahayag ng young boxer.

Inamin din niya na may mga pagkakataong nawawala siya sa kanyang mga linya dahil sa pressure, ngunit nananatili siyang excited sa bagong yugto ng kanyang career.

“Medyo nakakakaba, kasi minsan 'di ko alam 'yung ginagawa ko , nawawala ako sa minsan sa linya. Pero exciting naman po,” pahayag niya.

Nang tanungin kung iiwan na ba niya ang boxing career para sa harap ng camera, tiniyak ni Eman na ipagsasabay niya ang pagiging boksingero at aktor.

Panoorin ang panayam ni Eman sa Unang Hirit:

Abangan si Eman Bacosa Pacquiao sa action-drama series na Never Say Die, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime. May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m.

Maaari rin itong i-livestream sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.

Related Gallery: Meet Eman Bacosa Pacquiao: A rising boxing champ