
Nakatanggap ng maagang pamasko si Eman Bacosa Pacquiao mula kina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho nang maimbitahan siya sa isang interview.
Sa vlog ni Dra. Vicki, nakapanayam niya ang Sparkle artist tungkol sa kaniyang boxing career, na ngayon ay pumasok na rin sa mundo ng showbiz. Ipinag-shopping din nina Dra. Vicki at Hayden si Eman kasama ang kaniyang nanay na si Joanna Rose Bacosa at kaniyang stepfather na si Sultan.
Bago pa sila mag-shopping, binigyan ni Hayden si Eman ng isang espesyal na relo, na binebenta lamang sa mga VIP clients at gawa sa ostrich leather.
“I just want to thank you in advance po,” sabi ni Eman kay Dra. Vicki.
“You're so welcome, Ems. I'm so happy to do something. One day, you'll be so rich that you will give me money na,” biro ni Dra. Vicki.
Pinangako naman ni Eman na kapag natupad na niya ang kaniyang mga pangarap, hindi niya malilimutan ang doktora, at magba-bonding pa rin sila kapag siya ay nasa Manila.
Binilhan nina Dra. Vicki at Hayden si Eman ng kaniyang gloves para sa kaniyang matinding training sa boxing. Ibinahagi naman ni Eman na ang kaniyang gloves ay anim na taon na niyang ginagamit.
Nagkaroon din siya ng bagong training bag, shoes, clothes, running shades, at iba pang kagamitan para sa kaniyang training.
Dinala rin ng mag-asawa si Eman sa isa sa kanilang mga clinic, at magpapa-facial pa siya rito sa susunod nilang pagkikita.
Si Eman ay anak ng Filipino boxing legend na si Manny Pacquiao at Joanna.
Opisyal na pumirma si Eman sa Sparkle noong November 19.
Unang nag-trending si Eman sa kaniyang latest match sa “Thrilla in Manila 2” laban kay Nico Salado, kung saan siya ang itinanghal na panalo.
Panoorin dito ang buong vlog ni Eman Bacosa Pacquiao kasama sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho:
Samantala, kilalanin dito si Eman Bacosa Pacquiao: