GMA Logo Eman Bacosa Pacquiao first acting project
What's on TV

Eman Bacosa Pacquiao, sasabak sa unang acting project

By Marah Ruiz
Published March 17, 2026 12:40 PM PHT
Updated March 17, 2026 1:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Send warships to Strait of Hormuz? Teodoro says PH does not have the capability
Anne Curtis lands magazine cover, speaks about misogyny
Zephanie, Michael Sager reunite to bring kilig and major P-Pop vibe in “Born to Shine"

Article Inside Page


Showbiz News

Eman Bacosa Pacquiao first acting project


Unang acting project ni Eman Bacosa Pacquiao ang 'Never Say Die.'

Mula sa Davao, dumating sa Maynila kahapon si Sparkle boxer Eman Bacosa Pacquiao.

Para ito sa taping ng guesting niya sa GMA Prime action-drama series na Never Say Die.

Amindo si Eman na fan siya ng show, lalo na at bida dito ang celebrity crush niyang si Star of the New Gen Jillian Ward.

"Actually, nanonood po ako ng Never Say Die noong episode 1 pa lang, noong pagka-release pa lang, kasi nandoon sila Jillian, sila Raheel Bhyria," bahagi ni Eman.

Mainit ang naging pagtanggap ng cast at crew kay Eman sa set ng serye.

Personal siyang na sinalubong ni Jillian Ward at hinandugan ng garland habang binigyan naman ni Raheel ng bouquet sa nanay ni Eman na si Joanna Bacosa.

"Siyempre kinakabahan din po ako habang ginagawa 'yung mga acting na 'yun. Saka excited po ako kasi ito po 'yung first acting project ko," lahad ni Eman.

Nakatutok pa rin siya sa boxing pero open daw sa ibang mga oportunidad.

"Excited po ako na makatrabaho pa ang mga ibang artista," aniya.

Umaasa din si Eman na abangan ng mga manonood ang kanyang special guest appearance sa Never Say Die.

"Mas mabuti po na abangan niyo na lang po at saka napaka-exciting po nito kasi ito po 'yung first acting project ko," paliwanag niya.

Abangan si Eman Bacosa Pacquiao sa action-drama series na Never Say Die, Monday to Friday, 8:50 p.m. sa GMA Prime. May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m.

Maaari rin itong i-livestream sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.

Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.

Panoorin din ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras sa video sa itaas.