GMA Logo Eman Bacosa Pacquiao
Photo source: 24 Oras
What's Hot

Eman Bacosa Pacquiao, sumabak sa kanyang first-ever magazine shoot

By Karen Juliane Crucillo
Published April 25, 2026 2:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

US negotiators to go to Islamabad, but Iran says no direct talks
SCJ Volunteers Manila leads multi-sector tree planting drive in Rizal for climate resilience
High cost of fuel threaten planting season

Article Inside Page


Showbiz News

Eman Bacosa Pacquiao


Puno ng pasasalamat si Eman Bacosa Pacquiao matapos ang kanyang unang magazine shoot.

Isang milestone na naman ang na-achieve ni Eman Bacosa Pacquiao sa kanyang showbiz career.

Sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras noong Biyernes, April 24, taos-pusong nagpasalamat ang Sparkle artist matapos niyang sumabak sa kanyang first-ever magazine shoot.

“Thankful ako kay God na lahat-lahat ng bagay na 'to is nangyayari nang hindi ko inaasahan,” sabi niya.

Dagdag pa niya, “At saka gusto ko rin magpasalamat sa mga sumusuporta sa akin at nagmamahal sa akin at sa pamilya ko.”

Ibinahagi ni Eman na ang kanyang tagumpay ngayon ay inaalay niya sa mga mahal niya sa buhay.

“Mga loved ones ko, syempre. Kapatid ko. Magulang ko, Mama at Papa ko. Syempre, pati sa pangarap ko,” pahayag niya.

Noong Biyernes, nagsimula na ring mapanood si Eman sa Never Say Die.

Ikinuwento ni Eman na nag-enjoy siya sa kanyang kauna-unahang acting experience.

“Actually, ine-enjoy ko lang 'yung bawat moments. Minsan kabado, minsan hindi. Minsan preparado, minsan hindi. Sa bawat shooting ko, may natututunan akong bago,” aniya.

Simula nang pumirma siya bilang Sparkle artist noong November 19, 2025, tuloy-tuloy na ang opportunities para kay Eman. Marami na rin ang kumuha sa kanya bilang brand endorser.

Abangan si Eman sa Never Say Die tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime.

Panoorin ang buong panayam dito:

Samantala, kilalanin dito si Eman Bacosa Pacquiao: