What's on TV

Eman Bacosa Pacquiao, tutok sa panonood ng 'Never Say Die'

By Marah Ruiz
Published March 14, 2026 10:30 AM PHT
Updated March 14, 2026 11:13 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Anu-ano ang mga nagawa ng ICI sa imbestigasyon sa flood control issues? | GMA Integrated Newsfeed
P95M shabu seized, alleged drug courier nabbed in Surigao City
Enrique Razon Jr. is richest Filipino in Forbes' 2026 Billionaires List

Article Inside Page


Showbiz News

Eman Bacosa Pacquiao


Tutok na tutok si Eman Bacosa Pacquiao sa panonood ng 'Never Say Die.'

Avid viewer ng GMA Prime action-drama series na Never Say Die ang boxer na si Eman Bacosa Pacquiao.

Bida kasi dito ang kanyang celebrity crush na si Star of the New Gen Jillian Ward.

Sa isang maikling video na ibinahagi ng kapatid ni Eman, makikitang tutok na tutok ito sa panonood ng serye.

@jeyxbacosa.19 Abangan nga pala natin si kuya eman sa never say die sa gma guys napapanood supportahan natin guys @Eman Bacosa Pacquiao #reelsfypシ #viewersfypシ゚ ♬ original sound - Jeyx bacosa

Posible kayang mapanood ang young boxer sa Never Say Die?

Kahapon lang, nagbigay ng programa ng teaser na nagsasabing isang "Big Guy" ang papasok sa serye.


Matatandaang ipinakilala ni Jillian si Eman bilang "Big Guy" sa isang TikTok video na kinunan nila matapos niyang manood ng boxing match nito sa Bohol.

Sa recent contract signing event naman ng aktres, ipinahayag niyang bukas siyang makatrabaho si Eman.

Abangan kung sino ang "Big Guy" na ito sa action-drama series na Never Say Die, Monday to Friday, 8:50 p.m. sa GMA Prime. May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m.

Maaari rin itong i-livestream sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.

Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.