GMA Logo Eman Bacosa Pacquiao
Source: emanbacosapacquiao/IG
What's Hot

Eman Pacquiao, abala sa training para sa boxing match ngayong February

By Kristian Eric Javier
Published February 13, 2026 1:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Catriona Gray sa hiwalayan nila ni Sam Milby: ‘Hindi pala siya ready’
Music streaming platform's in-app experience lets users test compatibility with a crush
P18M marijuana, guns seized in Sulu drug ops

Article Inside Page


Showbiz News

Eman Bacosa Pacquiao


Muling tatapak sa ring si Eman Bacosa Pacquiao, bago siya magtrabaho bilang isang aktor sa entablado.

Locked in na sa kaniyang training ang Sparkle star na si Eman Bacosa Pacquiao para sa nalalapit niyang boxing match ngayong February. Makakalaban niya sa Tagbilaran, Bohol ang isang Indonesian boxer.

Sa report ni Iya Villania sa "Chika Minute" para sa 24 Oras, ito raw ang unang pagkakataon na sasabak ang batang boxer sa isang eight-round professional boxing, kaya naman puspusan din ang paghahanda ni Eman.

"Naka-focus po ako sa fight at saka pinagpe-pray ko po na maging maayos naman po 'yung laban," sabi ni Eman.

Nilinaw din ng Kapuso star na magbabalik siya sa kaniyang showbiz commitments pagkatapos ng laban.

"Pagtapos po ng fight ko, babalik po ako sa showbiz ulit, abangan n'yo po," sabi ni Eman.

KILALANIN SI EMAN BACOSA PACQUIAO SA GALLERY NA ITO:

Matatandaan na naging bahagi ng Sparkle si Eman nang pumirma ito ng kontrata sa talent agency ng GMA Network noong November 19, 2025. Suportado ng kaniyang ina na si Joanna Bacosa Dino si Eman sa bagong chapter na ito ng kaniyang karera na present sa naturang contract signing.

Ipinamalas naman ni Eman ang galing sa boxing nang lumahok at mapanatili niya ang magandang record sa boxing competition na “Thrilla in Manila 2” na inorganisa ng ama niyang si Manny Pacquiao.

Sa pagbisita niya sa Fast Talk with Boy Abunda noong November 18, 2025 inamin ni Eman na gusto niyang patunayan sa ama na kaya rin niya magtagumpay sa naturang sport.

“I just want to prove something po, na I deserve his love and acknowledgment po. At saka gusto ko rin ma-honor 'yung mama ko,” sabi ni Eman patungkol kay Manny.

Ito rin umano ang paraan niya para magbigay pugay sa kaniyang step father na si Sultan Dino na sinuportahan siya sa pagtupad ng kaniyang pangarap.

“He supported me po ng walang hesitation po. 'Yun din po 'yung nag-boost ng confidence ko na may naniniwala po palang tao sa 'kin, sa kakayahan ko po nu'ng kahit sino'ng tao, walang naniniwala sa 'kin,” pagbabahagi ni Eman.

Panoorin ang panayam kay Eman dito: