GMA Logo Emil Sumangil
Source: emil_sumangil/IG
What's on TV

Emil Sumangil, may plano bang pumasok sa pulitika?

By Kristian Eric Javier
Published October 23, 2025 4:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Hungarian Udvardy says she received threatening messages to lose match
Poblacion's Scratch and Cubao's Best of Luck are opening in this QC township
ICC Appeals Chamber: Duterte to remain in detention

Article Inside Page


Showbiz News

Emil Sumangil


Papasukin ba ni Emil Sumangil ang mundo ng pulitika?

Sa kabila ng mga artista at mamamahayag na pinasok na rin ang mundo ng pulitika, ito umano ang isang bagay na hindi gagawin ni Kapuso Action Man Emil Sumangil.

Sa pagbisita niya sa Fast Talk with Boy Abunda, tinanong ni King of Talk Boy Abunda si Emil, “May mga mamamahayag na tumatawid sa pulitika. Are you open?”

“'Wag ko lang sanang kainin 'yung sasabihin ko pero talagang wala ho akong balak, Tito Boy,” sabi ni Emil.

Pagpapatuloy niya, masaya na siya sa larangan na pinasok niya ngayon, at sinabing sa trabahong ito na niya gustong magretiro.

“Napakasaya ko ho dito sa larangan na ito kung saan ako nilagay ng Diyos Ama, dito ko na gustong magretiro, dito na magpapantay ang paa ko,” sabi ni Emil.

Samantala, pinansin din ni Boy ang naiibang paraan ni Emil sa pagsasalita at pagre-report. Pag-amin ng Kapuso Action Man, inaral niya noong una at sinubukan ang istilong ginagawa na niya ngayon.

“Sinubukan ko 'yung ganitong istilo kung ako'y sisitahin ng aking mga amo, para lang magkaroon ng pagkakaiba kumpara sa kung papaano magbitiw ng balita 'yung aking mga kasama. Hindi naman ako pinagalitan, hindi naman ako sinabihan na 'Baguhin mo ýung style,' hanggang sa idineretso ko na hanggang sa puntong ito,” sabi ni Emil.

Nilinaw rin ni Emil na hindi siya nagmo-modulate ng boses kapag nagbabalita, at sinabing kung papaano siya mag-report ay ganu'n din siya makipag-usap sa bahay. Ngunit isang pangaral ang natanggap niya mula sa pumanaw na si Mike Enriquez tungkol dito.

“Isa sa mga pangaral sa'kin ng nasirang Mike Enriquez, kapag magbibitiw ka ng pangungusap, ng balita, tiyakin mo na mayroong authority sa paghahatid mo ng balita. Ikaw dapat ang pinapakinggan, ikaw dapat ang masusunod,” sabi ni Emil.

Kaya naman, para magawa niya umano ito, kailangan lagyan niya ng pwersa at epekto ang kaniyang pagbabalita sa mga nakikinig.

BALIKAN ANG CELEBRITIES NA TUMAKBO SA NAGDAANG 2025 ELECTIONS SA GALLERY NA ITO: